Monday, August 23, 2021

Nasibak Ni Insan Dos part 33

Napatingin si Jude sa mga bagong dating na nagpapapicture sa medyo kalayuan. Nakatalikod ang mga ito sa kanyang gawi kung kaya hindi niya maaninag kung sino ang mga iyon. Pero ramdam niyang isa sa mga iyon ang maysuot ng pabangong katulad ng sa dating nobyo.  Sisilipin niya lang kung sino sa kanila ang may kapareha ng pabango ni Mac. Pasimpleng lumapit si Jude sa magkakaibigan na nagpapakuha ng litrato. Napalunok ng tuyot si Jude. Mas lumalakas ang amoy ng pabango habang papalapit siya sa mga binata. Yung katabi nga ng photographer ang kaamoy ni Mac. Mas lumapit pa siya rito at pinagmasdan ang likuran ng binata. "Pwede.." sabi ni Jude sa sarili. Muling huminga ng malalim si Jude. Hindi na niya napigilan ang sarili na hindi tukuyin kung sino ito. "Excuse me.." sabi ni Jude sabay tapik sa malapad na balikat ng binata.

----------

Sa oras na ito ay amoy na amoy ni Jude ang pamilyar na pabango. Ang paborito niyang amoy ng dating kasintahan. Naguguluhan ang kanyang isip. "Si Mac kaya ito? Bakit nandito si Mac sa Bicol?" tanong ni Jude sa kanyang sarili. Nanlalamig ang kanyang palad na nakalapat sa balikat ng estranghyero. Namamawis. Nanginginig. Napakagat ng kanyang labi si Jude habang hinihintay na lumingon ang binata. Lumakas tuloy ang kabog ng kanyang dibdib. Rinig na rinig niya iyon mula sa kanyang dibdib. Nanuyo na rin ang kanyang lalamunan sa suspense na nararamdaman. "Shit! Humarap ka na please.." bulong ni Jude nang magsimulang mag-slow motion ang tagpong iyon. Dahan-dahan nang pumihit ang ulo ng binata na kanyang nilapitan. Haharap na sana ang binata sa kanya nang biglang may tumawag sa kanyang pangalan. "Jude!" tinig ni Ace. "Jude. Hey.." ulit ng binata. "Let's go? Or may bibilhin ka dyan?" tanong ni Ace matapos magbayad ng kanilang kinain. Doon bumalik si Jude sa realidad. Napatulala pala siya habang pinapanuod ang mga binata sa may kalayuan. Agad niyang hinarap si Ace at umiling. "W-w-wala. Nagtitingin lang ako.." pagsisinungaling ni Jude. Napahawak si Jude sa kanyang dibdib. Mabilis ang tibok nito. Parang totoo ang mga nangyayari kanina. Napatawa at napailing na lang siya sa kanyang sarili. "H-h-hindi ka ba bibili ng pasalubong kina Mickey?" pahabol na tanong ni Jude kay Ace. "Hindi na. Hindi naman mahilig sila Mickey sa mga ganyan.." sagot ni Ace. "Ah okay.." sagot lang ni Jude at binalik ang kanyang hawak na ref magnet. Muli siyang napatingin sa grupo ng mga binatang nagpapalitrato sa harapan ng natabunang simbahan. "Jude, kalma. Hindi yan si Mac. Imposible.." bulong ni Jude sa kanyang sarili. Huminga ng malalim si Jude at binaling ang kanyang atensyon kay Ace. "Halika na. Medyo mataas na rin ang sikat ng araw.." yaya ni Jude sa kasama. Sabay na naglakad ang dalawa pabalik sa kanilang kotse.

"Mac! Halika na rito.." tawag ni Migs sa kaibigan nang biglang mahagip sa kanyang paningin ang dalawang binata. "Si Ace ba yun?" tanong ni Migs sa sarili. Parang si Ace ang bulto ng katawan, maputi ang balat at kalbo pa. Kinunot niya ang kanyang mga mata upang mas malinaw na makita ang mga itsura nito. Ngunit bigo siya dahil nakatalikod na ang lalaki. Binaling naman niya ang tingin sa kasama nitong lalaki. Medyo nanlaki ang kanyang mga mata. Tila ba tumigil ang kanyang puso. Napalunok siya. Agad niyang tinanggal ang suot na shades sa mata. Mas lalo niyang kinusot ang kanyang mga mata upang tignan ang kasama ng kalbong lalaki. Kahawig kasi ni Jude ito. Naglalakad na ang mga ito palayo sa kanilang kinalulugaran. "Si Jude ba yun?" mahinang tanong ni Migs sa kanyang sarili. "Ha?" tanong ni Nico nang marinig ang tanong ng kabarkada. "Ano yun?" tanong muli ng binata. "Ha?! Wala.." sagot ni Migs ngunit hinabol niya ng tingin ang dalawang lalaki. "Bro, halika na dito! Isang photo lang para may remembrance naman tayo magbabarkada.." anyaya naman ni Jed. "O-o-okay lang ba na nandito ako?" naiilang na tanong ni Lucas kay Jed na kanyang katabi. "Oo naman.." nakangiting sagot ni Jed sabay tapik sa braso nito. Hindi na tumanggi si Mac at lumapit na siya sa mga kaibigan. "Fine, fine. After neto, pwede bang pumunta na tayong ATV? Medyo mainit na eh.." sabi ni Mac. Tumabi si Mac kay Migs. Napansin niyang medyo may iniisip ang kaibigan. "Okay ka lang ba?" tanong ni Mac. "Ha? O-oo naman.." sagot ni Migs sa kabarkada. Iniisip pa rin niya kung ang nakita niyang magkasama ay sina Ace at Jude. "Mga sir! Smile na po! One.. Two.." bilang ng lokal. Napatingin si Migs sa katabing kaibigan. "Mac, bakit tayo nandito? Alam mo bang narito si Jude at Ace? Kaya ba sumunod tayo dito sa Bicol?" bulong ni Migs sa sarili habang nakatitig ito sa mukha ni Mac. "Three.." sambit ng lokal sabay kuha ng litrato. Kuhang-kuha tuloy sa litrato ang pagtingin ni Migs sa kaibigan.

"Bro, ano nga pala sabi nila Tita na hindi tayo sumama sa kanila sa Baguio?" usisa ni Migs sa kaibigan. Naglalakad na sila pabalik sa kanilang sasakyan. Nauuna ang tatlo nilang kabarkada habang magkasabay naman sina Mac at Migs sa likuran. "They are okay naman. Plan na talaga namin dito sa Bicol mag-holiday. Pero hindi lang natuloy kaya sa Baguio sila.." casual na sagot ni Mac. Hindi pa rin kumbinsado si Migs kaya nagtuloy pa rin ang kanyang pagtatanong. "May kakilala ba kayo rito?" tanong ni Migs. Napatigil maglakad si Mac at hinarap si Migs. Napatawa siya. "Ano ka ba? First time ko nga dito. Edi sana kung may relatives kame dito, dun na tayo nagstay.." sagot ni Mac. "Bakit ang dami mong tanong, bro?" balik-tanong ni Mac sa kabarkada sabay nagpatuloy ang binata sa paglalakad. "Wala naman. Akala ko kasi tagadito si Jude.." biglang sambit ni Migs at hinintay ang reaksyon ni Mac. Napatigil nga si Mac sa paglalakad nang marinig niya ang pangalan ng dating kasintahan. Napapikit si Mac upang pigilan ang sarili. Ayaw niya kasi ipaalam sa tatlo niyang kaibigan ang tunay na rason kung bakit sila nasa probinsya ng Albay. Lumapit si Migs sa likuran ng nakatayong si Mac. "Tama ba ako? Kaya nandito tayo, dahil kay Jude?" ulit na tanong ni Migs. Napahinga ng malalim si Mac at muling hinarap si Migs. Medyo nakakunot na ang noo ng binata. "Bakit naman napasok si Jude dito?" may inis sa tanong ni Mac. Doon medyo natauhan si Migs. "S-s-sorry.." bawi ni Migs. "I just thought na si.." hihirit pa sana si Migs nang unahan na siyang magsalita ni Mac. "Bro, walang kinalaman si Jude dito. I just wanted to spend my holiday here. So, please, ayoko na sanang pag-usapan si Jude.." pagsisinungaling ni Mac sabay talikod sa kaibigan at nagpatuloy maglakad pabalik ng kanilang van. "I just thought na si Jude ang nakita ko kanina.." sabi na lamang ni Migs sa sarili.

"Sir, sorry. Isang unit na lang po ang available. Angkas na lang po ang isa sa inyo kung gusto niyo?" sabi ng lokal kina Ace at Jude. Tumingin si Ace kay Jude upang hingan ito ng sagot. "Okay lang naman na hintayin na lang kita dito.." sabi ni Jude sa binata. "No. Gusto ko kasama kita.." sagot ni Ace. "Fine, sige. Ikaw na lang magmaneho sa papunta, ako na lang sa pabalik?" suhestiyon ni Jude sa kasama. Ngumiti ng pagkatamis si Ace. "Okay.." sagot ni Ace sabay harap na sa kausap na lokal. "Sige, kuya. Isang unit po.." sabi ni Ace. "Sige ho. Sumunod ho kayo sa akin para makakuha na kayo ng protective gears.." utos ng lokal. Kumuha si Ace ng isang helmet at siya ang nagsuot nito kay Jude. Muling nagdikit ang kanilang mga katawan. Harapan. "Kaya ko naman.." nahihiyang sabi ni Jude. Pinagtitinginan kasi sila ng mga naroon. "Shhh.. Let me.." sagot lang ni Ace at pinagpatuloy ang pag-ayos ng helmet sa ulo ni Jude. Medyo tinaas pa ni Ace ang baba ni Jude na tila ba na hahalikan ito. "Ace, anong ginagawa mo.." natatawa pero kinakabahang tanong ni Jude. Natawa naman si Ace. "Wait lang kasi. Inaayos ko pa.." si Ace habang sinasara ang lock ng helmet sa bandang baba ng binata. "Ayan. Gusto ko kasi safe ka.." si Ace sabay kindat sa binata. Halatang namumula ang pisngi ni Jude. Napatingin siya sa paligid at hindi nga siya nagkamali. Nagbubulungan ang mga babaeng naroon. Nakayukong sumunod si Jude kay Ace at sa lokal nilang guide. "Pare, may lima pang ATV dito oh.." turo ni Ace nang madaanan nila ang limang unit na nakapark. "Ay sir. Nakareserve na po yan. Parating na po yung grupo na gagamit niyan.." sagot ng kanilang guide. "Sorry na. Hindi ko alam na kailangan pala ng reservation.." sabi ni Jude. "Don't be. I think mas okay ang set up natin.." pilyong sabi ni Ace sa binata. "Loko ka talaga.." nahihiyang sabi ni Jude. Narating na nila ang mga unit na gagamitin. Lima silang naroon at napasama sina Jude at Ace sa tatlong magkakaibigan, dalawang babae at isang lalaki. "Hi. Are you from Manila?" bati ng babaeng turista. Maganda naman ang babae. Mestisa at may braces sa ngipin. Halatang Manilena. "Yes, we're from Manila.." sagot ni Ace gamit ang kanyang pinagwapong boses. Halatang kinilig ang babae pati na rin ang kasama nito. "By the way, I heard na last unit na yung nakuha niyo. If you want, you can use mine.." nakangiting alok ng turistang babae kay Jude. "And I can join him sa ATV niya.." habol pang sabi nito. Kumunot ang noo ni Ace nang marinig niya ang alok ng babae. "No, it's okay. He can always ride on my unit.." sabi ni Ace. Pero sumeryoso na ang tono nito. Nanlaki naman ang mata ni Jude sa pilyong sagot ng kasama. Alam niyang may ibang kahulugan iyon. Pati ang tatlo ay natigilan rin sa sinagot ni Ace. "What?" magkasabay na sabi ng magkaibigang babae. "Sorry. I mean, he will ride on my ATV unit.." ulit ni Ace sabay akbay kay Jude. Napalapit na naman ang kanilang mga katawan. "I see. By the way, my name is Bea, and these are my friends, Candice and Bryan.." pakilala ng turistang babae.

"Ace, and this is my boyfriend, Jude.." walang prenong sagot ng binata sa mga babae. Agad na napatingin si Jude kay Ace. Seryoso talaga ang binata sa binitawang salita nito. Sumakay si Ace sa ATV unit nila at sinimulang buhayin ang makina. Binalikan ng tingin ni Jude ang mga bagong kakilala. "Sorry. Nagbibiro lang si Ace. Nice meeting you guys.." paalam ni Jude sa tatlo. Halatang nagulat ang tatlo sa rebelasyon ni Ace lalo na ang dalawang dilag. "Are they gay?" baling ni Bea sa dalawang kaibigan. "Yes, they are.." natatawang sagot ni Bryan sa kaibigan. Natawa na lang rin si Candice sa sitwasyon at inalo ang kaibigan. "Sakay na.." yaya ni Ace kay Jude. Inilahad niya ang kanyang kamay upang alalayan si Jude na sumakay sa kanilang unit. "Kaya ko, Ace.." pagmamalaki ni Jude at sinubukan makasakay. Hirap siya dahil medyo mataas ang kanyang aapakan at kailangan niya pang hakbangan ang upuan upang makasakay ito sa ATV. Nakadalawang subok na siya ngunit bigo pa rin ang binata. "Jude, just hold my hand na.." sabi ni Ace. "Kaya ko nga.." sagot ni Jude. "Isa, hold my hand or bubuhatin na lang kita.." banta ni Ace sa kasama. "Fine.." sagot ni Jude. Alam niya kasing tototohanin ni Ace ang kanyang banta. Mas nakakahiya iyon sa mga kasama nila. Hinawakan na ni Jude ang kamay ni Ace sabay subok ulit na pumwesto sa likuran ni Ace. Isang subok lang at agad itong nakaupo. "See. Kung kanina mo pa ako hinawakan, edi sana nakaupo ka na.." sabi ni Ace bago niya isara ang kanyang helmet. Sa balikat ni Ace humawak si Jude. Ngunit hindi pumayag si Ace. Nilingon niya ulit ang binata. "May ganyan bang magboyfriend?" tanong ni Ace sa binata. "Okay na yan. Tinitingnan tayo nila Bea.." palusot ni Jude. "So? I don't care.." si Ace sabay kuha sa dalawang kamay ni Jude na nakapatong sa kanyang balikat at ginabayan niya itong mapahawak sa kanyang bewang. "Yakapin mo ako kung natatakot ka.." nakangising sabi ni Ace sa angkas. Naiinis man ay may kaunting kilig siyang nadarama. Langhap niya kasi ang amoy ng batok ni Ace. Ramdam niya ang tigas ng tagiliran ng binata. "Oh my gosh!" singhap ni Jude nang biglang umandar na ang ATV na sinasakyan. Mas napakapit tuloy siya sa bewang ni Ace. Nagsimula na ang kanilang tour kasama ang grupo ng mga bagong kakilala. "Jude, kumapit ka at pababa yung trail.." paalala ni Ace. "What?" si Jude sabay tingin ng kanilang tatahakin. Palusong nga ang kanilang dadaanan pababa sa mababaw na ilog. Walang sabi-sabi si Ace at muli niyang hinatak ang mga braso ni Jude upang mapayakap na ito sa kanyang katawan. Hindi na pumalag si Jude at niyakap na niya ang matigas na katawan ng binata.

Amoy na amoy ni Jude ang bango ng katawan ni Ace. Kahit nagsisimula na itong pagpawisan ay mabango pa rin ang binata. Pinatong ni Jude ang kanyang baba sa balikat ni Ace. "Look, Jude! Ang gandaaa!" sigaw ni Ace habang lumalapit na sila sa bulkang Mayon. Napangiti si Jude habang pinapanuod ang reaksyon ng binata. Napakagwapo talaga nito. Napakakisig. Kahit sino, mapababae man o mapabading, ay siguradong maaakit nito. "Wooooow!" sigaw ni Ace na tila ba parang bata. Manghang-mangha siya sa ganda ng Mayon. Masaya ang puso ni Ace sa oras na iyon. Masarap sa pakiramdam. Malaya siya. Walang tinatago. Walang kinikimkim. Malaya siyang iparamdam kay Jude ang kanyang pagmamahal.  Oo, sa oras na iyon, inaamin niya sa kanyang sarili na mahal niya ang binata. Ramdam niya ang mga bisig ni Jude na nakapalibot sa kanyang katawan. Ramdam niya ang katawan ni Jude na nakadikit sa kanyang likuran. Masaya siya. Masayang-masaya. "Whoooooa!" sigaw ni Ace sa kagalakan. Natatawa lang naman si Jude sa reaksyon ng binata. Inenjoy na lang rin ni Jude ang bagong karanasan. Lagpas 30 minutes rin silang bumyahe hanggang maabot nila ang isang tumpok ng mga bato. "Pwede po bang akyatin yan?" tanong ni Ace sa kanilang guide. "Yes sir. Ayan po ang natuyong magma.." sabi pa ng lokal. Matapos patigilin ang makina ay agad silang bumaba ng ATV upang akyatin ang mga tumpok ng bato. May isang kubo ang naroon kung saan pwede bumili ng makakakain. "Jude, wash room lang ako.." paalam ni Ace sa binata. "Sige, pero may gusto kang kainin or inumin?" tanong ni Jude. "Tubig lang.." sagot ni Ace sabay tumungo siya sa palikuran. "Ang saya no?" singit ni Bea habang umiinom ng buko. "Oo nga e. First time ko dito kahit taga-Albay talaga ako.." sagot ni Jude. "What? Taga dito ka talaga?" gulat na tanong ni Bea. "So paano kayo nagkakilala ni Ace?" singit ni Candice. "Schoolmates kame sa Manila. Nagbakasyon lang ako dito sa amin.." sagot ni Jude. "So, ibig sabihin, he flew all the way from Manila to here?" tanong ni Bea. Umiling si Jude. "Nag-drive siya.." sagot ni Jude sabay bili ng mga kakainin nila ni Ace. Doon napatulala na naman ang dalawang magandang dalaga.

"Buti na lang tumawag ka kanina, Lucas. Alam mo bang fully booked kame ngayon.." kwento ng matandang may-ari ng rentahan ng ATV. "Salamat, Tito. The best po talaga kayo.." sagot ni Lucas sa tiyuhin. Pinakilala ni Lucas ang mga bagong kaibigan sa kanyang tiyuhin. "Tito, may handaan sa bahay kung makakadaan po kayo.." yaya ni Lucas sa tiyuhin. "Susubukan ko kung maaga matapos dito.." sagot ng matanda sa binatang pamangkin. "Sige po!" paalam ni Lucas sa tiyuhin at pinasunod na ang apat na magkakaibigan kung saan nakapark ang mga ATV units nilang gagamitin. "Shit! Excited na ako!" tuwang-tuwang sabi ni Nico. "Dun tayo sa natuyong magma. Pwede natin akyatin yun. Kitang-kita dun si Mayon.." pagyayabang ni Lucas sa mga bisita. Mabilis na silang nagsisuotan ng mga helmet. "Okay ka lang?" si Lucas nang lumapit ito kay Jed. Ngumiti ang binata. "Yes! Okay na okay. Thank you ha!" si Jed na hindi pa rin mawari kung paano ayusin ang helmet. "Wala yun. Gusto ko lang maranasan mo ang Albay para naman bumalik-balik ka.." nakangiting sabi ni Lucas at tinulungan ang binata na ayusin ang suot na helmet. Nakangiting pinapanuod ni Jed si Lucas. Kahit na moreno ang binata ay may itsura ito. Lalaking-lalaki. "Oo naman. Lahat naman ng pinaranas mo sa akin, gusto kong ulit-ulitin.." seryosong sagot ni Jed sa binata. Tiningnan ni Lucas si Jed sa kanyang mga mata. "Punta ka mamaya sa bahay?" yaya ni Lucas sa bagong kakilala. Tumango lang si Jed at ngumiti ito. Hindi maipaliwanag ni Lucas kung bakit tila lumukso ang kanyang puso sa pagtango ni Jed. Lumawak tuloy ang kanyang pagngiti. "Ingat ka sa pagmaneho.." sabi ni Lucas sabay tapik sa helmet ng binata. Napakamot na lamang si Jed sa kanyang batok. Hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi. Ayaw niyang pigilan ang sarili. Masaya siya na nakilala niya si Lucas sa lugar na ito. Napatingin siya sa gawi ni Mac. Hindi niya napansin na kanina pa pala nakatingin ang kaibigan. Agad niya tuloy binawi ang ngiti sa kanyang labi. Natawa lang si Mac sa reaksyon ni Jed. Nagsimula nilang baybayin ang ruta kung saan papunta sa mga natuyong magma. Dumaan sila sa ilog. Pataas. Pababa. May matarik, may madulas. Mabato. Madamo. May maputik. Masaya ang magbabarkada na maranasan nila ang magmaneho ng ATV. Picture dito, picture doon. Sigawan. Harutan. Biruan. Asaran. Tawanan. Enjoy na enjoy ang magbabarkada. Maliban kay Mac. Matatapos na ang araw at hindi pa rin niya nakakasalubong ang dating kasintahan. Nawawalan na siya ng pag-asa. Doon niya naisip na napakalaki ng Albay upang magtagpo ang landas nila ni Jude.

Muling napahanga si Ace sa kanyang namasdan. Kitang-kita nila ang perpektong hugis ng Mayon. Maaliwalas ang kalangitan. Wala masyadong ulap kung kaya matindi rin ang init ng sikat ng araw. Mahangin naman kung kaya nakakawala pa rin ng pagod sinamahan pa ng ibang klaseng tanawin. "Jude, thanks for bringing me here.." sambit ni Ace sa kanyang katabi. Nakatayo lamang sila habang pinagmamasdan ang bulkang Mayon. "You're welcome.." sagot ni Jude na nakatingin pa rin sa bulkan. "Mamaya, I'll be driving home na sa Manila and I wish you could come with me.." sambit ni Ace. Marahan niyang inabot ang kamay ni Jude na nasa kanyang tabi. Hindi naman tumanggi ang binata at hinawakan niya rin ang malambot na kamay ng binata. "Pero, alam ko naman na you still need to be with your family. Naiintindihan ko yon.." pagpapatuloy ni Ace. Pinisil niya ang kamay ni Jude. Inangat niya ito at inilapit sa kanyang mga labi. Binigyan niya iyon ng isang halik. "I just want to say this again. I like you and I want to be with you.." sambit ni Ace. Tahimik lang si Jude pero kumakabog ang kanyang dibdib. Hindi niya mawari kung sa kilig ba iyon, sa saya, sa tuwa o di kaya sa kaba, sa takot, sa pangamba. "I don't want to expect an answer from you right now. But, I want you to know that I will be the happiest person if you will say yes.." sabi ni Ace. Mula sa kanyang tabi ay gumalaw si Ace at tumungo sa likuran ni Jude. Kahit mainit ang sikat ng araw ay wala na silang pakielam. Niyakap ni Ace ang kanyang katawan mula sa likod. Ramdam ni Jude ang tikas at tigas ng katawan ng binata. Kahit di ganoon kakomportable dahil sa init ng araw ay masarap pa rin ito sa pakiramdam. May luwag sa dibdib. May ginhawa sa paghinga. "I love you, Jude.." biglang sambit ni Ace at humiwalay ito sa pagkakayakap kay Jude. Kinuha niya ang nakasublit sa kanyang leeg na kwintas. "Remember this? Hindi mo kasi sinusuot nung una ko itong biniga, so, ibibigay ko ulit. I hope na pagbalik mo ng Manila ay suot-suot mo na ito. Tanda ito na pumapayag ka na maging akin ka.." sabi ni Ace sabay suot ulit kay Jude ng kwintas. Humarap si Jude matapos ang maisuot ni Ace ang kwintas. "Ace, salamat dito.." si Jude sabay hawak sa cross na pendant. "Salamat sa oras na binibigay mo. Sa effort. Pero, Ace, kung gusto mo talagang maging okay ang simula natin, kelangan na muna natin.." si Jude ngunit inunahan na ni Ace ang binata. "Si Mac ba?" diretsong tanong ni Ace. Marahang tumango ang binata. "At si Amanda.." patuloy ni Jude.

Huminga ng malalim si Ace. Naiintindihan niya si Jude. Kakahiwalay lang nila ni Amanda at kakahiwalay lang rin nina Jude at Mac. Muli niyang niyakap ang binata. Siniksik niya ito sa kanyang dibdib at bisig. "Yes, gagawin natin yan once we go back sa Manila.." sambit ni Ace. "Wow naman! Ang sweet!" sambit ni Candice pagkaakyat ng tatlo sa tuktok ng mga bato. Medyo sumimangot si Bea at agad niyang kinuha ang telepono. Sa kanilang pwesto ay kumuha ng litrato ang dalaga. Nakatagilid naman ang dalawang lalaki at medyo may kalayuan ang mga ito. Agad naman humiwalay si Jude nang marinig niya ang mga tinig ng dalawang babaeng kasama sa tour. "Grabe, ang ganda dito!" puri ni Bea habang papalapit sa dalawang binata. "Yes! Buti na lang at nasolo natin kahit na ang daming tao kanina.." sagot ni Candice. "Sige dalian niyo na magpose. Ang init oh!" angal naman ni Bryan. "Enjoy kayo. Ingat pagbaba.." paalala ni Jude sabay alis na sa kanilang kinapwepwestuhan. "We'll go ahead. Mainit na rin naman dito. And medyo maingay na rin.." sarkastikong sambit ni Ace. "What?" tanging nasabi ni Bea habang pinapanuod ang pagalis ng dalawang lalaki. "Unfair talaga. Kung sino pang gwapo, siya pa ang pumapatol sa same sex. Habang ang mga pangit.." pang-aasar ni Candice habang nakatingin sa kaibigang si Bryan. "Hay buti na lang I'm gay.." biro ni Bryan na kinatawa naman ng dalawa. "Ikaw talaga ang sungit-sungit mo.." sabi ni Jude kay Ace habang bumababa sa mga batuhan. "What's new?" mapaklang sagot ni Ace habang inaalalayan niya ang binata. Natawa lang si Jude. "Oo nga naman, coming from the Mr Masungit.." pang-aasar ni Jude kay Ace. "Ayaw mo ba nun. Sayo lang ako, hindi magsusungit.." sagot ni Ace. "Kaya pala sinungitan mo ako dati.." sagot ni Jude. "E ikaw kasi, ginulo mo mundo ko. Literally and figuratively.." salo ni Ace. "Edi sorry na. Iiwas na ako.." kunwari nagtatampong sambit ni Jude. Natawa naman si Ace. "Actually, para ka ngang lugar na ito e.." sabi ni Ace. "Ha? Bakit?" nagtatakang tanong ni Jude. "You rock my world.." sabi ni Ace sabay tawa dahil sa kakornihan niya. "Last mo na yan, please.." sambit ni Jude. Nakababa na ang dalawang binata nang salubungin sila ng kanilang tour guide. "Yung mga kasama niyo po?" tanong ng lokal. "Nasa taas pa po.." sagot ni Jude. Mabilis naman inakyat ng guide ang mga batuhan upang sunduin ang tatlong nasa itaas.

"Ready ka na?" tanong ni Ace habang nakayakap sa katawan ni Jude. "Kinakabahan ako.." sagot ni Jude. First time niyang magmaneho. "Don't worry, nandito lang ako. Just remember, this is your break.." si Ace sabay hawak sa kaliwang kamay. Tumango lang si Jude sabay huminga ng malalim. Nagsimula lang sa mabagal si Jude pero unti-unti itong bumilis. "Woooooah!" sigaw ng binata. Si Ace naman ang nagmasid sa mukha ng binata. Paminsan-minsan ay dinadapuan niya ng halik ang balikat at likuran ng tenga ni Jude. "Ace! Kapag tayo.." paalala ni Jude sa binata. "Sorry na. Mamimiss ko kasi ang amoy mo. Ayaw mo pa bang umuwi ng Manila talaga?" pabirong tanong ni Ace. "Ikaw talaga.." si Jude sabay binilisan ang andar ng ATV. "Woohoooo!" sigaw ni Jude. Sa kalayuan ay naagaw ng sigaw ni Jude ang atensyon ng grupo nila Mac. "What's that?" nairitang tanong ni Migs. "Turista.." natatawang sagot ni Lucas habang pinipicturan ang grupo nila Jed. Napatingin naman si Mac sa grupo na pabalik na sa rentahan ng ATV. Napansin niya agad ang dalawang lalaki na sakay ng isang ATV. Nakayakap ang mas matangkad na lalaki sa katawan ng nagmamaneho ng sasakyan. Kahit na malaki ang katawang ng angkas ay hindi ito nahihiyang ipakita ang affection nito sa lalaking mas maliit. "I wish you were here.." sambit ni Mac habang iniisip ang dating nobyo. Kaya rin naman niyang maging clingy at maging sweet sa publiko kung nanaisin lang ng dating kasintahan. Muli niyang pinanuod kung gaano ka-sweet ang dalawa habang sakay-sakay ng ATV. Palayo na ito ng palayo hanggang mawala na sa kanilang paningin ang naunang grupo. Makalipas ang halos bente minutos ay nakabalik na sina Ace at Jude sa rentahan. "Jude? Iho?" tawag ng isang matandang lalaki matapos maipark ni Jude ang ATV unit. "Tito Nestor!" bati ni Jude sa matanda habang tinatanggal ang helmet. Agad itong lumapit at nagmano. "Kamusta ang Papa mo? Buti nakauwi ka!" bati ni Nestor sa pamangkin. "Okay na po si Papa. Bawal na lang magpagod mashado. Pinaparehab pa po namin.." sagot ni Jude sa matanda. "Tito, si Ace po pala. Kaeskwela ko po.." pakilala ni Jude sa kasama. "Mano po.." bati ni Ace. "Isang ATV lang ba ang ginamit niyo?" tanong ni Nestor sa mga binata. Tumango lang si Jude. "Okay lang ho yun.." sagot ni Ace. "Ay oo nga pala. Nagkita ba kayo ni Lucas?" tanong ng matanda sa pamangkin. "Si Lucas ho?" nagtatakang tanong ni Jude. "Oo. May mga kasamang tiga-Maynila.." sagot ni Nestor. "Hindi ko ho nakasalubong. Baka ibang ruta ang dinaanan nila.." sagot ni Jude. "Tito Nestor, mauna na ho kame. Pauwi na rin ho kasi ng Maynila si Ace mamaya.." pahabol na paalam ni Jude sa tiyuhin.

Bumyahe na pabalik ng kanilang bayan sina Jude at Ace. Tahimik lang si Jude at iniisip kung sino ang mga kasama ng pinsang si Lucas. "Pagod ka?" tanong ni Ace sa katabi. Napansin kasi ng binata na nakatulala si Jude. "Medyo, pero nag-enjoy naman ako.." nakangiting sagot ni Jude. "Ako rin. Thank you.." sambit ni Ace sabay abot sa kamay ni Jude. "Kaya mo ba talaga umuwi ng Manila mamaya?" alalang tanong ni Jude. Tumango lang siya. "Kaya naman. I'll rest kapag di na talaga kaya.." sagot ni Ace sabay lapit muli ng kamay ni Jude sa kanyang mga labi. Isang mainit na halik ang binigay niya rito. "Please update me from time to time, okay?" sabi ni Jude. "Yes, love.." pabirong sabi ni Ace sabay halik na naman sa kamay ng binata. Hindi makapaniwala si Jude na ganito kalambing ang masungit at matikas na si Ace. Hinawakan ni Jude ang mukha ni Ace, ang patubo nitong balbas. "Thank you.." nakangiting sambit ni Jude sa binata. Mag-aalas tres na ng hapon nang makarating sina Jude at Ace sa kanilang bahay. Mabilis lang naligo si Ace at nagpalit ng damit. Tumulong na rin si Jude sa pag-aayos ng bag ng binata upang makabyahe na ito ng may araw pa. "Ace, update mo ako kung nasaan ka na ah.." hiling ni Jude sa binata habang pinapanuod itong magbihis. "I will.." ngiting sambit ni Ace sabay suot na sa kanyang puting tshirt. Palabas na sana ang dalawa sa kwarto ni Jude nang pigilan ni Ace ang pagbukas ng pinto. "Bakit?" nagtatakang tanong ni Jude sabay lingon sa matangkad na lalaki na nasa kanyang likuran. "I will miss you and this lips.." sabi ni Ace sabay halik sa malalambot na labi ni Jude. Hindi na tumanggi pa si Jude at lumaban na rin siya sa halikan. Labi sa labi. Dila sa dila. May palitan pa ng laway. Mahigit isang minuto rin tumagal ang dalawa. Humihingal man ay si Ace na ang naunang lumabas ng kwarto upang maayos pa ni Jude ang namumulang labi. "Tita, Tito. Chuchay. Maraming salamat po sa pagtanggap.." paggalang na paalam ni Ace sa pamilya ng binatang iniibig. "Wala yun, iho. Welcome ka dito palagi.." sabi ni Tinoy. "Ace, iho, mag-ingat ka magmaneho.." bilin pa ni Mayang sa kaibigan ng anak. Nagmano na ito sa dalawang nakakatanda at nagpaalam. "Chuchay, bata ka pa ah. Huwag padalos-dalos ang mga desisyon.." paalala ni Ace sa kapatid ni Jude habang inaayos ang mga gamit sa likod ng sasakyan. "Yes, kuya. Balik po kayo dito ah.." sabi ni Chuchay sabay abot ng isang plastic. "Huwag na. Nakakahiya.." tanggi ni Ace. "Ayos lang yan. Ipasalubong mo sa parents mo.." sabi ni Jude na lumabas na rin upang maihatid ang bisita sa kotse nito. Yumakap si Ace kay Chuchay, kasunod naman ay si Jude. "Jude, yung necklace ah. Please take care of it.." bilin ni Ace bago sumakay ito ng kotse.

Alas kwatro na ng hapon nang makauwi ang grupo nila Mac sa lobby ng hotel. "Bro, it was fun! Thank you for joining us.." sambit ni Nico kay Lucas nang makababa ito sa van. "Wala yun. Bro.." pa-konyong sagot ni Lucas. "Thank you, Lucas. Guys, I'll go ahead na. Gusto ko na magpahinga.." paalam ni Migs nang siya naman ang bumaba ng van. "Lucas, anong oras pala yung get together sa inyo?" tanong ni Jed. "Sunduin na lang kita. Hiramin ko na lang yung jeep ni Papa.." suhestiyon ni Lucas sa bagong kaibigan. Napangiti si Jed. "Sige. Ready na ako ng mga 7PM?" tanong ni Jed. "Sige, maliligo lang din ako tapos balik na lang ako ulit dito.." sagot ng binata. "Mac, ikaw ba? Gusto mo bang sumama sa amin? May konting salo-salo lang. Ihahatid ko naman kayo pauwi dito.." anyaya ni Lucas sa binata. "Bigay mo na lang yung address mo, susunod na lang ako. May gusto kasi akong daanan dito e.." sagot ni Mac sabay abot ng kanyang telepono. "Mamaya na lang ulit, Jed.." paalam ni Lucas sabay lakad palayo sa dalawang magkaibigan. "So, what's going on with you, two?" tanong ni Mac sabay akbay sa kaibigan. Natawa si Jed. "Wala yun. Magkaibigan lang kame.." sagot ni Jed. "At ikaw, saan ka naman pupunta?" balik-tanong ni Jed sabay akbay sa balikat ng kaibigan. Natawa rin si Mac. "Bro, wala ka na run.." pabirong sagot ni Mac. "Ayan tayo pre e. Pupuntahan mo si Jude, ano?" tanong ni Jed. Nagulat si Mac nang marinig kay Jed ang pangalan ng dating nobyo. "P-p-paano mo alam?" sumeryoso si Mac. "E siya lang naman ang kakilala mo dito sa Bicol. Unless, meron pa.." sagot ni Jed. "H-ha?" nagtatakang tanong ni Mac. "Bro, kilala kita. I know na taga-Albay si Jude. And I don't mind. Alam kong mahal mo pa yung gunggong na yun. Pero basta, please, if anything happens, if you need me, tawagan mo ako agad. Pupuntahan kita. I got you, bro.." sambit ni Jed. Iniwan ni Jed na nakatayo si Mac. Halatang apektado pa rin si Mac sa hiwalayan nilang dalawa ni Jude. Huminga ng malalim si Mac at hinugot niya ang kanyang telepono. Agad niyang binuksan kung saan niya sinave ang address ni Jude. Muling huminga ng malalim si Mac. Nilalakasan ang loob. Muling pumasok sa kanyang isip ang dalawang lalaki na nakasakay sa ATV. Pinapangarap niyang magawa nila iyon ni Jude. At matutupad lamang ito kung pupuntahan niya ang dating kasintahan at aamuhin ulit. "Let's go, Mac! Kaya mo yan!" pagpapalakas loob ng binata sa kanyang sarili.

Gamit ang nirentahang sasakyan ay sinundan ni Mac ang Waze patungo sa address nila Jude. Pasado alas-sais na iyon ng gabi. Medyo may kadiliman na dahil Disyembre iyon at nasa probinsya sila. 6:08 PM sabi ng orasan sa sasakyan. Kahit malamig ang buga ng aircon ay nagsimula siyang pagpawisan. Hindi niya alam kung sinu-sino ang makikilala niya sa bahay ng dating nobyo. Iniisip niya kung ano ang mararamdaman ni Jude kung sakali na makita siya nito. Sasampalin ba siya? Pagtutulakan? Papaalisin? Ipapahiya rin? Yayakapin kaya? Hahalikan? Ipapakilala sa magulang? Andaming scenario ang pumapasok sa kanyang isip. Isang hingang malalim muli ang kanyang ginawa. "You arrived in your destination.." sabi ng app. Bukas ang mga Christmas lights na nakapaligid sa bahay nila Jude. Bukas rin ang mga bintana pati ang ilaw sa loob ng bahay. Paniguradong may tao roon. Pinatay ni Mac ang makina ng kotse at buong lakas loob na bumaba mula rito. Napapalunok siya ng tuyo. "Tao po! Tao po!" malakas na bigkas ni Mac sa labas ng kawayang tarangkahan nila Jude. May sumilip na matandang babae mula sa pinto. "Sino yan?" tanong ng matanda. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Kabog ng kabog na tila ba may karerang sinalihan. "M-m-magandang gabi ho. Si J-j-jude ho?" bati ni Mac. Lumabas ng tuluyan ang matandang babae ngunit hindi ito lumalapit sa gate. "Nako, umalis. Kasama ng kapatid niya. Sino ho yan?" tanong ng matanda. "Kaklase ho ni Jude.." sagot ni Mac. "Si Ace yan?" biglang sambit ng matandang babae at agad na lumapit sa gate. "Hindi ho.." sagot ni Mac. Medyo nagtaka si Mac kung bakit nasambit ang pangalan ni Ace. Binuksan ng matandang babae ang kawayang gate. "Sino ka ba?" tanong ng matanda. "Mac po. Kaklase ho ni Jude sa Manila.." sagot ng binata. Napalunok si Mac nang mapansin niya na sinuri siya ng matandang babae mula ulo hanggang paa. "Nako, iho. Umalis ang magkapatid. Bumalik ka na lang bukas.." sagot ng matanda. "Ahh ganun ho ba. Sige ho.." mabilis na sagot ni Mac sabay balik sa kanyang kotse. Agad siyang huminga ng malalalim upang mapakalma ang sarili. "Relax, Mac.." sabi ng binata sa kanyang sarili. Nang biglang tumunog ang kanyang telepono, "Hello?" sagot ni Mac. "Bro, nasaan ka na? On the way na kame ni Lucas sa kanila.." si Jed ang tumatawag. "Nandito na ako kina Jude, kaya lang umalis daw e. Gusto ko sanang hintayin.." sagot ni Mac.

"E anong oras daw uuwi?" tanong ni Jed. "Hindi ko natanong. Kinakabahan kasi ako.." si Mac na medyo nahihiya sa kaibigan. Natawa si Jed nang marinig iyon mula sa kabarkada. "What? Si Mac? Kabado?" pang-aasar ni Jed. "Mukhang mommy ni Jude yung nakausap ko e.." sagot ni Mac. "Yung tita niya nga napalambot mo, mommy niya pa kaya.." sabi ni Jed. "Halika na. Samahan ka na lang namin ni Lucas bukas. Tutal sa makalawa pa naman flight natin.." sabi ni Jed. "Okay fine. Mukhang wala rin akong mukhang maihaharap sa mommy ni Jude. I'll drive na papunta kina Lucas.." sagot ni Mac bago niya ibaba ang tawag ng kaibigan. Muling winaze ni Mac ang address ng bahay nila Lucas. Mabuti na lamang ay malapit lang ito sa lugar ni Jude. Kumabog ang kanyang dibdib. "Magkababayan lang sina Lucas at Jude.." sa isip ni Mac. Marahan nagmaneho si Mac dahil sa kakaunting poste na may ilaw at bako-bakong daan. Ilaw ng sasakyan lamang ang inaasahan niya. Sa kabilang banda, nakaangkas sina Chuchay at Jude sa motor ni Denver, ang nobyo ni Chuchay. "Kuya, buti nakasama ka.." sabi ni Denver. "Syempre, kamag-anak ko yun.." sarkastikong sagot ni Jude. Hindi niya parin nakakalimutan ang tagpo ni Denver at Karla sa banyo ng plaza. Hindi niya parin maalis sa kanyang isipan na niloloko ni Denver ang kapatid. "Kuya naman.." sita ni Chuchay sa kapatid. "Teka nga. Maglalakad na lang ako. Ang bagal ng takbo ng motor e.." suhestiyon ni Jude sa dalawa. "No, okay lang. Malapit naman na tayo.." sagot ni Denver na medyo binilisan ang takbo ng motor. "Babe, ibaba mo na muna ako kina Kuya Lucas tapos salubungin mo na lang si Kuya Jude.." si Chuchay. "Tabi mo muna.." si Jude na may pagkataray. Tumabi si Denver sa gilid ng daan. "Please ingatan mo yang kapatid ko.." babala ni Jude sa nobyo ng kapatid pagbaba niya ng motor. Nagsimulang maglakad si Jude. Hindi naman siya takot dahil kilala naman nila ang mga tagaroon. Nang bigla siyang kinabahan. May parang dalawang aninong sumusunod sa kanya. Binuksan niya ang flashlight ng kanyang telepono upang makita ang nilalakaran. Mahirap na madapa at maabutan ng mga sumusunod sa kanya.

"Pssst!" sitsit ng taong nasa kanyang likuran. Hindi lumilingon si Jude at diretso pa rin ang paglalakad. "Psssssst!" mas mahabang sitsit. Narinig niyang naghahagikgikan ang mga ito. "Putangina!" sambit ni Jude at mas binilisan niyang maglakad. "Ay pota! Jude! Friend!" pasigaw na tawag nina Karla at Lyka habang hinahabol ang naglalakad na kaibigan. Binuksan rin nila ang mga hawak-hawak na cellphone. Lumingon agad si Jude nang mabosesan ang mga kaibigan. "Hayop kayo! Tinakot niyo ako.." natatawang bati ni Jude sa mga dating kaklase. "Grabe ka naman, friend. Hindi ka na mareach. Ang haba na ng sitsit ko ah.." si Karla. "Loko ka! Bakit ako lilingon? Malay ko ba kung sino yun.." sagot ni Jude at sumabay na sa dalawa. "Saan ang punta niyo?" tanong ni Jude. "May handaan daw kina Lucas, sabi ni Benjie.." sagot ni Lyka. "E bakit parang rarampa kayo sa plaza sa mga suot niyo?" tanong ni Jude nang mapansin ang nagsisiiklian na damit ng dalawa. Luwa pa ang mga hinaharap nito sa suot nitong spaghetti strap at labas ang hita nito sa suot na short shorts. Hindi rin nagpakabog si Karla na tanging suot ay itim na fitted na dress. "Pota ka! Anong plaza? Diretso palayan na to.." natatawang sagot ni Karla sabay pakita sa pink na tback na underwear. Natawa naman si Jude sa inasal ng baklang kaibigan. "Grabe, ang liberated mo na Karl.." pang-aasar ni Jude. "Excuse me, Jude! It's Karla, with a K.." malanding sagot ni Karla. "Excited na nga ako. May inimbita daw si Lucas na taga Maynila.." sabi ni Lyka. Muling naalala ni Jude na may sinamhan pala si Lucas na mamasyal kanina. "Oh diba? Buti nag-improve-improve na yang pinsan mo.." si Karla. "Korek! Buti nakikihalobilo na. At mga taga-Maynila pa.." dagdag ni Lyka. "E varsity natin si Lucas nung highschool ah.." singit ni Jude. "E kasi nandun ka kasama namin. E nung nagpunta ka na ng Maynila. Either nasa palayan niyo si Lucas tinutulungan si Mang Tinoy or nasa babuyan niyo tinutulungan Mama mo.." kwento ni Lyka. "Kaya nga ang laki ng utang na loob ko kay Lucas. Kasi nung nagaral ako sa Maynila, siya na ang pumalit sa mga tungkulin ko sa bahay.." sagot ni Jude. "Aba dapat lang! Tanda mo ba si Kitty yung mestisa nating kaklase? Aba, binasted ni Lucas.." si Karla. "E diba heartthrob yun nung highschool?" si Jude. "Yun na nga! Kung hindi lang kayo magpinsan, iisipin ko talagang may something kayo.." si Karla. "Bakla ka! Idadamay mo pa si Jude at Lucas sa federasyon mo.." singit ni Lyka. Ngumiti lang si Jude.

"Kuya Jude, naihatid ko na si Chuchay kina Kuya Lucas. Angkas na po kayo.." yaya ni Denver nang maabutan niya ang tatlo na naglalakad pa rin sa gilid ng kalsada. "Hindi okay lang, Denver. Balikan mo na si Chuchay dun. Kasama ko naman sina Karla.." sagot ni Jude. "Aray! Ouch!" sagot ni Karla at nagsimulang magpiki-pikian. "Hala, friend?! Anong nangyari sayo?" sakay ni Lyka sa kababata. "Natapilok ako e. Denver, pwede bang ako nalang umangkas sa iyo?" malanding tono ni Karla sa binata. "Tumigil ka, Karla. Ngayon na lang tayo ulit nagkakwentuhan. At saka, boyfriend yan ng kapatid ko!" sabi ni Jude na may diin sa huling pangungusap. Napakamot na lamang si Denver at nagpaalam sa tatlo. "Sige, kita kits na lang dun.." sabi ni Denver sabay andar ng sinasakyang motor. "Friend naman e. Masakit naman ang paa ko e.." si Karla na nagpapatuloy pa rin sa pag-arte. Huminto si Jude at hinarap ang baklang kaibigan. "Karla, tigilan mo ako. Off limits na si Denver. Boyfriend na siya ng kapatid ko.." si Jude. Umirap lang si Karla. "Fine! Fine! Off limit na kung off limits. Tikim lang e.." sagot ni Karla sa dating kaklase. "Tikim lang daw pero may, I love you.." sarkastikong sambit ni Jude. Nanlaki ang mata ni Lyka at Karla. "M-m-may alam ka ba?" nanginginig na tanong ni Karla. "Oo. Kaya tigilan mo yan kung ayaw mo masira pagkakaibigan natin.." sagot ni Jude sa kaibigan. "E ako naman ang first love ni Denver e.." sagot ni Karla. "Pero may new love na siya. At ayun ang kapatid ko!" si Jude. "Kaya kung ano mang merong natitirang pagtingin dyan sa puso mo para kay Denver, wasakin mo na. Pigain mo na! Iluwa mo na!" dagdag pa ni Jude. "Dahil kung hindi, ako ang pipiga sayo. Wawasak sayo!" huling banta ni Jude sa kaibigan. "Ayy paanong wasak, friend?" tanong ni Karla na may excitement. Natawa si Jude. "Hayop ka talaga. Kaya miss na miss ko kayo eee!!!" si Jude sabay akbay sa dalawang malalapit niyang kaibigan sa Albay. Hindi na nga nagtagal at narating na nilang tatlo ang bahay ng kamag-anak. Mas malawak ang bahay ng mga pinsan. Doon nakaset up ang mga lamesa at upuan. May mahabang mesa para sa mga pagkain. Agad na kumaway sina Chuchay sa kapatid. Naroon si Denver at Benjie. "Hay, salamat. Nakarating din kayo.." sabi ni Chuchay na kumakain na. Naroon ang mga kamag-anak nila kung kaya nagsimulang mag-mano si Jude sa mga tiyuhin, tiyahin, lolo at lola niya. Hinanap agad niya si Lucas ngunit wala ang kanyang pinsan roon.

"Kuya Gani, si Lucas ho?" tanong ni Jude sa nakakatandang pinsan. Katulad ng kanyang Kuya Jon sa Maynila ay napakamatipuno ni Isagani. Sa edad na bente-nueve anyos ay hindi parin nawawala ang kakisigan ng nakakatandang pinsan. Nasa 5'8 ang height, may muscles ang balikat at braso dahil na rin sa pagaararo ng kanilang bukirin. Ang balat nitong kayumanggi. Pinoy na pinoy. Medyo kulot ang manipis na buhok sa ulo. Siguro ayun lang kapintasan ng pinsan. Pero makapal ang kilay nito, balbas sarado, ang mga braso, dibdib at kilikili. Alalang-alala rin ni Jude ang makapal nitong karugs sa tiyan nito na kumakapal pababa sa tinatagong alaga nito. Matagal na rin niyang hindi nasisilip ang tinatago ng pinsan. Wala pa naman nangyayari sa kanila pero minsan nauunsayami lang tulad na lang nung huli nilang pagsasama bago siya lumuwas ng Maynila. Mayroon kasing kubong tinayo ang ama nila Kuya Isagani sa tabi ng ilog malapit sa kanilang bahay. Hindi naman ganun kalapit dahil kailangan mo paring maglakad sa kagubatan ng mga kinse minutos. Doon nagdiwang si Jude bilang pamamaalam sa mga kaibigan at pinsan. May pagkain, inumin. Masaya ang lahat. Habang naliligo si Jude sa ilog kasama ang iba niyang mga kaibigan ay bigla na lamang lumapit si Isagani at umangkla sa likuran ni Jude. Dahil suot niya lamang ay manipis na shorts ay agad niyang naramdaman ang katigasan ng pinsan na kumikiskis sa hiwa ng kanyang likuran. Hindi naman makaangal si Jude dahil akala niya ay wala lang iyon. Dahil magpinsan sila. Pero sa oras na iyon ay may kung anong init at libog siyang nararamdaman. Ramdam niya talagang sinasadya ng kanyang Kuya Isagani ang pagdunggol ng mataba nitong ari sa kanyang butas. Mabuti na lamang at may mga suot pa silang shorts. Natigil lamang iyon nang lumapit si Lucas sa dalawa. Agad na umalis si Isagani sa likuran ni Jude at lumangoy palayo sa grupo. Napangiti si Jude sa kanyang alaala kasama si Isagani. Napalunok si Jude nang mapansin niyang naka-basketball jersey shorts lang ang pinsan na sinuotan ng polo shirt na stripes. "Nako, insan. Sinundo yung mga kaibigan niya mula Manila.." sagot ni Isagani habang patuloy na kumukuha ng handa. "Ah ganun po ba. Antayin na lang po namin.." sagot ni Jude at akmang babalik na sa kanilang mesa. "Teka, bakit hindi mo sinama yung kaklase mo?" tanong ni Isagani sa pinsan. "Umuwi na siya ng Maynila kanina.." sagot ni Jude. "Ganun ba? Sayang naman. Hindi niya matitikman etong lumpia ko.." may kaunting libog sa tono ng pinsan.

"Ano?" nagulat na tanong ni Jude. Natawa si Isagani. "Itong lumpiang niluto ko.." sagot ni Isagani sabay lagay sa plato ni Jude. "Masarap yan. Ako nagluto niyan.." dagdag pa ng pinsan sabay iwan sa natulalang si Jude. "Uy, insan!" bati ni Philip sa nakakabatang pinsan. Agad itong umakbay kay Jude. Dahil sa suot nitong sando lamang ay agad niyang nalanghap ang barakong amoy ng pinsan. Lalaking-lalaki. "Kuya Philip.." bati ni Jude. "Mamaya, samahan mo ako sa kwarto. Ibibigay ko na sayo yung mga pinaglumaan ko. Parang nung dati lang.." si Philip. Bente-singko anyos si Philip. Kasunod ni Isagani. May mas itsura si Philip kaysa sa Kuya Isagani niya. Moreno parin dahil sa trabahong bukid. Firm ang muscles sa katawan - sa braso, sa balikat, sa dibdib at sa abs. Hindi tulad ni Isagani ay medyo makinis si Philip kung kaya hulmang-hulma ang mga muscles nito sa katawan. Kusang tutulo ang laway mo kapag naghubad ito sa palayan. Si Philip ang unang nagturo kay Jude kung paano humalik. Kung paano makipagespadahan ng dila. Kung paano sumupsop ng dila at labi. Kung paano kumagat ng hindi nanggigigil. "Kuya, huwag na. Marami na rin nabigay si Tita sa Manila. Tsaka nakauniform naman kame sa school kaya baka hindi ko rin magamit yan. Salamat nalang kuya.." sagot ni Jude sa alok ng pinsan. Agad na siyang bumalik sa kanilang mesa matapos sunduin ng nobya nito ang kanyang Kuya Philip palayo sa kanya. "Alam mo friendship, napakaswerte mo sa mga pinsan mo, Kuya Isagani, Kuya Philip at Lucas.." inggit na sabi ni Karla. Ngumiti lang si Jude. "Diba meron pa yung mga bumibisita rito dati. Kuya J.." singit pa ni Lyka. "Si Kuya Jon?" sabi ni Chuchay. "Oo gwapo rin yun. Nasa lahi na kaya namin.." dagdag pa ni Chuchay. "Meron pa, si Kuya Mike, Kuya Vince at si Chad.." pagpapatuloy ni Chuchay. "Hay, ewan ko na lang kung di pa ako magkaundagaga sa mga yun.." malanding sabi ni Karla. "Tigilan mo na nga yan, Karla. Tigang ka na no?" pang-aasar ni Jude sa kaibigan. "Oo, bakit ikaw? Bahang-baha sa dilig?" balik-asar ni Karla sa kaibigan. Doon nasamid si Jude sa kinakaing lumpia. Napaubo si Jude nang wala sa oras. Agad naman nagpanic ang mga naroon sa mesa. Saktong-sakto rin ang pagdating ng owner type jeep na sasakyan nila. Agad na nakita ni Jude si Lucas na bumaba sa driver seat. Pero dahil madilim ang nasa kabilang gilid ay hindi niya maaninag kung sino ang kasama ng pinsan.

"Nasaan ka na?" tanong ni Jed sa kabarkada nang sumagot ito sa kanyang tawag. "Nandito na ako sa labas. Nakapark. Hinihintay ko lang kayo dumating.." sagot ni Mac sa kaibigan. "Halika na, bumaba ka na. Kakarating lang din namin.." sagot ni Jed. "Oo, teka. Okay na kaya tong tatlong bote ng alak?" nahihiyang tanong ni Mac. "Oo naman. Halika na.." sagot ni Jed. "Oo na, pababa na.." si Mac sabay labas sa kanyang nirentahang kotse. Medyo nailang si Mac dahil medyo naoverdressed siya. "Jed, bakit ganyan lang ang suot mo?" bati ni Mac sa kaibigan nang mapansin niyang naka-puting shirt at khaki shorts lang ito samantalang siya ay naka-jeans na itim, brown shoes at blue long sleeves na nakatiklop lang ang manggas. "Okay lang yan. Si Jude naman talaga dapat ang kadate mo. Failed lang.." pang-aasar ni Jed sa kabarkada. Habang sa mesa ni Jude ay todo nakaabang kung sino ang bitbit ni Lucas. "Wait, wait! Ayan na sila Lucas. May kasama siyang dalawang boylets.." excited na sabi ni Karla. "Oh shet! Ang gwagwapo!" mahinang tili ni Karla sa kanyang tabi. Hindi na muna iniintindi ni Jude ang mga sinasabi ng mga kasamahan at gusto niya na muna mahimasmasan mula sa pagkakasamid. "Hayop na Karla to.." bulong ni Jude sa sarili habang iniinom ang tubig na dala ni Lyka. Patuloy parin ang paghimas ng kaibigan sa kanyang likod. "Okay ka na ba?" paulit-ulit na tanong ng dalaga. Tango lang naman ng tango si Jude habang patuloy ang paginom ng tubig. Ngunit nanlaki ang kanyang mata nang masulyapan niya kung sino ang kasama ng kanyang pinsang si Lucas - sina Jed at Mac. Nakangiti itong pumapasok sa gate ng bahay ng kanilang kamag-anak. Hindi makahinga si Jude. Ramdam niyang pumapasok ang iniinom niyang tubig sa kanyang baga. "Anak ng pitong puting tupa!" sa isip ni Jude at muli siyang nasamid. Mas grabeng ubo ang kanyang nagawa dahil sa dami ng nainom. Para talaga siyang nalunod. Yumuko si Jude at patuloy na umuubo. "Kuya, okay ka lang ba?" si Chuchay na nagaalala. Narinig naman iyon ni Lucas kung kaya agad rin siyang tumakbo papunta sa mesa nila Jude at naiwan ang dalawang bisita sa isang tabi. "Insan, okay ka lang?" si Lucas sabay tapik sa likuran ng nakayukong si Jude. "Yes, okay lang ako.." hinahabol na hininga na sagot ni Jude. Nakayuko pa rin ito habang inaalo ng mga taong nakapaligid sa kanya. "No, hindi ako okay?! Paanong nandito si Mac? Anong ginagawa niya rito? Paano nakilala ng pinsan ang dalawang kaeskwela? Putangina! Paano!? Bakit!??" sunud-sunod na tanong ni Jude sa kanyang isip....


Susundan..




7 comments: