Friday, May 1, 2020

Nasibak Ni Insan Dos part 14


Wala talagang makakita. Tanging ilaw lamang mula sa labas ng condo ang nagsisilbing liwanag. May mga tumitili. May mga tunog na kakaiba. May mga tunog ng naghahalikan. Nang biglang may maramdaman si Jude na bisig na bumalot sa kanyang bewang. Umangkla sa kanyang batok at sabay lapit sa kanyang mukha. Dahil sa pagka-bigla ay hindi na niya magawang makaiwas. Nahalikan siya ng isang estranghyero. Makinis ang mukha. Walang buhok. Magkasing-tangkad lamang sila. Kasi hindi yumuyuko ang humalik sa kanya. Labi-sa-labi. Pilit na pinapasok ang dila ngunit nananatiling tikom ang kanyang bibig. "Uhmmmm" ungol ng estranghyero.

------

Hinawakan ng estranghyero ang bewang ni Jude sabay nilapit ang kanyang katawan sa katawan nito. Nagdikit ang kanilang mga katawan. Ramdam ni Jude ang init ng katawan ng estranghyero. Marahil sa nainom nitong alak. Dahil sa pagkakadikit ng kanilang mga katawan, napagtanto ni Jude na lalaki ang humahalik sa kanya. Walang boobs na tumatama sa kanyang dibdib. Kundi matigas na dibdib ang dumadampi sa kanyang dibdib. Ang mga braso nito na umiipit sa kanyang katawan ay kanyang nadama rin. Mainit. Mainit sa pakiramdam. Napansin ni Jude ang mga palad nito na gumagapang sa kanyang bewang papunta sa kanyang likuran pababa sa bandang pwetan. Hindi makagalaw si Jude. Tila ay naging estatwa siya sa dilim.

Pilit pa rin pinapasok ng lalaki ang kanyang dila sa loob ng bibig ni Jude. Nakatikom pa rin kasi ang mga labi ni Jude. Hindi pa rin makagalaw si Jude. Sa gulat siguro. Pwede rin sa sikip dahil magkabilaan rin ang mga bisitang nagsimula na rin magpalitan ng laway. Basang-basa na ang kanyang mga labi dahil sa halik ng estranghyero. Nalasahan na ni Jude ang alak na nainom ng lalaki. Amoy na rin niya ito sa hininga ng lalaking humahalik sa kanya. May lasang-strawberry. Na hinaluan ng matatapang na alak. Sa hindi sinasadyang pagkakataon at dala na rin siguro ng sitwasyon ay nagtagumpay ang lalaki na maipasok ang kanyang dila sa loob ng bibig ni Jude. "Uhhmmm..." ungol muli ng lalaki. Slurp!  Slurp! Wala na talagang nagkakahiyaan sa mga pinaggawa lalo ng mga katabi nilang magkapareho. Hindi parin maaninag ni Jude ang mukha ng estranghyero. Dahil sa sarap na nadarama ng lalaki ay napakapit lalo ito sa likuran ni Jude na nagpabalik sa katinuan niya.

"Five.. Four.. Three.." sigaw ng emcee. Agad na itinulak ni Jude gamit ang kanyang buong lakas ang lalaki sa balikat upang mapalayo ito sa kanya. Dahil na rin siguro sa kalasingan ng lalaki ay napaatras ito. "Two.. One.. Happy Birthday Russel!!!" patuloy ng emcee sabay bukas ng mga ilaw. Maliwanag. Nakakasilaw. Masakit sa mata. "Booooo!!!!" sabay-sabay na sigaw ng mga naruon. Papungay-pungay si Jude habang hinahanap kung sino ang sumantala sa kanya sa dilim. Bigo siyang makita kung sino iyon. Napakarami ng nakapaligid sa kanya. Halo-halo. Lalaki. Babae. Ngunit sino sa kanila. Biglang dumilim muli ang lugar at nagkislapan na ang mga ilaw nang parang nasa disco. Agad niyang pinunasan ang kanyang mga labi.

Wala pang minuto ay na may yumakap muli kay Jude mula sa kanyang likuran. "There you are.." si Mac sabay halik sa leeg ng kanyang nobyo. "Sayang! We missed the fun in the dark.." dagdag ng ni Mac. Humarap si Jude sa kasintahan. "Nasaan ka ba kasi?" parang nagtatampong tanong ni Jude. Pero alam naman talaga nito na galing banyo si Mac. Nakita niya ito bago mamatay ang mga ilaw. "Nagbanyo po ako.." panunuyo ni Mac kay Jude. "Huwag ka na magtampo babe.." si Mac na patuloy pa rin humalik sa leeg ni Jude. Nakakaadik talaga ang amoy ni Jude. Sininghot pa lalo ni Mac ang bandang leeg ni Jude. Nakiliti si Jude kung kaya napakagat-labi ito. May halong sarap at may libog. Nagsimulang kagat-kagatin tuloy ni Mac ang balat sa leeg ni Jude. "Uhmmm.." ungol ni Jude. May kirot. Pero nakakasiyang kirot. Dinilaan ni Mac paakyat mula sa leeg paakyat sa jawline ni Jude. Napakapit si Jude sa kasintahan. "Maaahhhc.." si Jude na parang pinipigil si Mac. Hinalik-halikan ni Mac ang jawline papunta sa pisngi padiretso sa mga labi nito. Agad na umiwas si Jude marahil ayaw niyang malasahan ni Mac ang laway ng humalik sa kanya kanina. "Nauuhaw ako.." iwas ni Jude.

"Let's go and grab some drinks. I also want you to meet my other friends.." si Mac sabay hila sa kamay ng nobyo. Tumungo sila sa kusina ng condo. Agad na may bumati kay Mac sa isang kumpol ng mga lalaki na naruon. Lima sila. Ngunit sina Migs at Jed lang ang kilala ni Jude sa mga naruon. "Pare!" bati ni Mac sa mga kaibigan. "Hey Mac! Salamat at nakapunta ka!" simula ni Russel, ang birthday celebrant. Ngayon ay malapitan nang nakaharap ni Jude si Russel. Gwapo ito. May kalusugan pero gwapo. Mas matangkad si Russel sa kanya. May nunal sa gilid ng kanyang mga mata. Mala-Matteo Guidicelli ang awra nito. Mestiso. At may magandang ngiti. "Jude, si Russel. The birthday boy. Russel, si Jude.." pakilala ni Mac. "Happy birthday.." bati ni Jude sabay kamay sa bagong kakilala. "Thanks, man. Are you enjoying? May nahuli ka bang chicks kanina sa black out?" nagbibirong tanong ni Russel. Nasamid si Jude nang hindi sinasadya. "Man, hindi pa to pwede.." si Mac na ang sumagot sabay akbay kay Jude. Napatawa lang si Jude sabay pilit na inaalis ang pagkakaakbay ni Mac. Ngunit hindi nagpatinag si Mac at inaakbayan pa rin siya nito.

Nahuli naman ni Jude ang pag-irap ni Migs sa kanila. "Baklang twooh!" malditang sabi ni Jude sa kanyang isip. "Jude, si Kelvin. Kelvin, Jude.." pakilala naman ni Mac sa napakatangkad na lalaki. Siguro nasa 6 footer ito. Typical Chinese ang itsura. Mestiso. Singkit na singkit ang mga mata. Payat ang pangangatawan. "Nice meeting you, Jude." bati ni Kelvin sabay kamay naman nito. "Same.." si Jude sabay ngiti. Huling pinakilala ang katabi ni Migs. Nakasandal pa ito rito dahil mukhang naparami na ang inom "Arvin, pare. Okay ka pa ba?" tanong ni Mac. "Yes! I am okay.." sagot ni Arvin at biglang tumayo upang mapakilala kay Jude. Magkasing height lang sila ni Arvin. Moreno. Pinoy na pinoy ang dating. Medyo mapisngi pero dumagdag ito sa kanyang kalakasan ng appeal. Mala-Coco Martin ang awra nito. May laman ang katawan. Mukhang nagbubuhat. "Arvin, si Jude..." si Mac. "Hey Jude. I'm Arvin.." putol ni Arvin kay Mac sabay ngiti. Napatitig si Jude kay Arvin. Mas gwapo ito kapag ngumingiti. Lumalabas ang sex appeal nito. Inabot ni Arvin ang kamay ni Jude at nakipaghand-shake siya rito. Mainit. Nakakapaso.

"Mac, you guys want something to drink?" tanong ni Russel sa dalawa. Duon na lamang binitawan ni Jude ang kamay ni Arvin. "Yes, please.." sagot ni Mac. "Beer?" alok ni Kelvin. "Isa sa akin. Ikaw ba?" tanong ni Mac kay Jude. "Ano pa meron?" usisa ni Jude. "I think Jude wants a ladies drink.." singit ni Migs at nagtawanan ang naruon. Napaismid si Migs at tagumpay siya sa pang-aasar niya. "Meron ba?" patol ni Jude. "Yes. Meron, mixed by our very own Arvin.." si Russel sabay salok sa baso na may ice. "Masarap yan. Traydor.." babala ni Russel sabay may pag-ngiti. Tinikman ni Jude ang alak na binigay sa kanya. Sa una wala mashado epekto. "Subukan mo pa.." si Russel sabay tulak sa baso sa bibig ni Jude. Napalagok si Jude. Wala talaga. Lasang-strawberry juice na may Sprite lang. Pamilyar ang lasa. Napatingin si Jude kay Arvin na wiling-wili na panuorin siyang uminom. Nakangiti ang loko. Nakatabi ulit ito kay Migs. "So, what's your rating?" si Arvin na may pagmamayabang. "Masarap siya.." sagot ni Jude sabay ngiti.

"Let's dance.." yaya ni Mac sa nobyo. Dumiretso sila sa gitna ng sala. Naruon ang parang dance floor. Kumapit si Mac sa bewang ni Jude habang si Jude sa balikat ni Mac. Nagsimula silang umindayog kasabay ang tugtog. Masarap sa pakiramdam. Parang ang gaan-gaan ng kanyang katawan. Patuloy pa rin sa pagindayog si Jude. Lumalapit sa katawan ni Mac. Ramdam na nila ang init ng katawan ng isa's isa. Dumidikit paminsan-minsan ang kanilang harapan. Dahil sa madalas na pagtama ay nakaramdam ng kakaibang init ang dalawa. Nagsimulang mabuhay ang kanilang alaga mula sa suot na pantalon. Ramdam nila ang pagsikip ng harapan nito. Mapanuksong ngiti ang binigay ni Jude sa nobyo at tinuloy ang pagkiskis sa kanyang harapan sa bukol ni Mac. "Uhhm! Shit!" sambit ni Mac. Halong pagiinit at lamig ang nararamdaman ngayon ni Mac. Tigas na tigas na siya at parang sasabog ang kanyang pundilyo. Kung may nakaluhod lamang sa kanyang harapan ay paniguradong mapapansin nila ang bukol na bukol na hinaharap ni Mac. Mabilis ang tibok ng kanyang puso. Init na init sa pakiramdam. Inilapit pa ni Mac ang kanyang katawan sa nobyo. Gusto niya maramdaman ang malambot na katawan ni Jude.

Napatitig si Mac sa mukha ng nobyo. Ngayon lang siya nakaramdam nito. Ni sa mga dati niyang nobya or mga naka-fling ay hindi niya ito nadarama. Nakapikit ngayon si Jude at sumasabay sa indayog ng musika. Nakangiti. Napokus ang titig ni Mac sa mga labi ni Jude. Namamasa-masa. Namumula-mula. Hindi na nakapagpigil si Mac at hinalikan na ang mga namumulang labi ni Jude. Hindi na alintana ni Mac ang mga tao sa paligid. Napatigil si Jude sa kasasayaw ng maramdaman ang mga labi ni Mac sa kanyang mga labi. Napakapit siya sa batok ni Mac at sinabayan ang ritmo ng labi at dila ni Mac. Masiil ang halikan. Maalab. Nagpapaling-paling ang kanilang mga ulo. Labi sa labi. Dila sa dila. Nagpapalitan na sila ng laway. Matamis ito. Gawa siguro ng mga alak na nainom. Tuloy parin ang laplapan ng dalawa. Dila sa dila. Labi sa labi. Lalong nag-iinit ang kanilang mga pakiramdam. "I love you, Jude.." bulong ni Mac matapos ang ilan ring minuto ng halikan. Napangiti si Jude. "Mahal din kita.." bulong nito sa kasintahan.

Sa hindi kalayuan ay gulat na nakatitig ang mga kaibigan ni Mac. Maliban kay Migs. Kitang-kita nila ang maalab na palitan ng mga laway ng kaibigan at ni Jude. Napanganga si Jed sa napanuod. "Fuck!" bulalas ni Jed na napahawak sa kanyang harapan. Ramdam niya ang pagkibot ng kanyang alaga mula sa loob ng kanyang pantalon. Mukhang tinamaan siya sa kanyang nakita. "Excuse me mga pare.." sabi ni Jed sabay alis. Dali-dali ay nagpunta ito sa banyo. Habang sina Russel at Kelvin naman ay napainom sa bote ng beer na kanilang dala. Sunod-sunod ang lagok. "That's fucking gay!" conyong sabi ni Kelvin sa mga kaibigan. Napangiti naman si Russel na tila ba naaliw sa napanuod. Habang si Arvin naman ay nakaakbay pa rin kay Migs. Hindi ito nanunuod sa romansa ng dalawa. Sa mukha ni Migs siya nakatitig. Pansin ni Arvin ang selos sa mga mata ni Migs. Napailing ito na nakangiti. "So, what now?" tanong ni Arvin sa bandang tenga ni Migs.

Hinila ni Migs si Arvin papunta sa veranda ng condo nila Russel. May kakaunting tao ang naruon. Naninigarilyo. "I really hate him! I really really hate him! Fuck Jude.." sabi ni Migs. "What?!" gulat na sabi ni Arvin. "Nababaliw ka na ba? Nakita mong boyfriend siya ni Mac!" dagdag pa ni Arvin. Matagal nang alam ni Arvin na may gusto si Migs kay Mac. "Ikaw naman kasi. Hindi mo ginalingan ang paghalik kay Jude. Hindi mo pa pinaabot sa pagbukas ng mga ilaw.." sisi ni Migs kay Arvin. Napasindi ng sigarilyo si Arvin nang wala sa oras. "Are you questioning my skills?" natatawang hamon ni Arvin sa kaibigan. "If that skill is fucking amazing, sana hindi less than a minute yang nagawa mo kanina!" nagtataray na sabi ni Migs. "Are you really questioning this?" sabay turo ni Arvin sa kanyang mga labi. Napipikon na talaga siya sa panghahamon ni Migs. Tinapon ni Arvin ang yosing hawak sabay kapit sa batok ni Migs. Agad na naglapat ang kanilang mga labi. Katulad nang ginawa ni Arvin kanina kay Jude ay marahan pinapasok nito ang kanyang dila. Ngunit tikom pa rin ang mga labi ni Migs.

"Damn it, Migs! Let's stop this bullshit! You know I like you. I want you so bad.." naiinis na sabi ni Arvin matapos kumalas sa mga labi ni Migs. Tumalikod si Arvin kay Migs sabay sindi muli ng isa pang sigarilyo. Alam ni Migs na may gusto si Arvin sa kanya. Matagal na. Kaya nga pumayag si Arvin sa kanyang pakiusap kanina na halikan si Jude. Kahit unang beses palang makita iyon ni Arvin. Hindi pa nito alam na siya ang boyfriend ni Mac na pinagseselosan ni Migs. Kaya gagawin niya lahat masira lamang si Jude kay Mac. Lumapit si Migs sa likuran ni Arvin at niyakap ito mula sa likod. "Do you really like me?" malambing na tanong ni Migs kay Arvin. Hindi kumibo si Arvin. Muling lumalambot ang kanyang puso kay Migs. Alam niya sa sarili niya na gagawin niya ang lahat makuha lang ang atensyon ng lalaki. "Arvin.." lambing na tawag ni Migs. "Do you really like me?" ulit ni Migs. "Yes I do.." mahinang sagot ni Arvin. Humarap na ito kay Migs. "Then, fuck Jude.." matigas na utos ni Migs. "Once done, you can have me.." sabi ni Migs sabay dampi ng kanyang labi sa labi ni Arvin. At saka ito pumasok muli sa loob.

3:30 AM na. Unti-unti nang nagaalisan ang mga bisita ni Russel. "Pare, happy birthday ulit. Thanks.." bati ng huling mga bisita bago sila umalis. Iilan lamang ang natira. Si Nico na bagsak sa kalasingan. Nakahandusay sa isang sofa. Halos mahubad na ang suot na polo. Sina Mac at Jude na nakaupo sa sofa. Nakadantay si Jude sa balikat ni Mac. Mukhang tinamaan talaga si Jude. Sina Jed at Kelvin na patuloy pa rin umiinom sa mesa. Si Migs. Si Arvin na nagyoyosi pa rin. "So, are you guys sleeping over?" tanong ni Russel sa mga kabarkada. "I guess not. Gusto ko matulog sa kama ko.." sabi ni Mac sa kaibigan. "Are you sure? He's drunk..." si Russel sabay nguso kay Jude. "Sa bahay ko siya matutulog.." walang kaabog-abog na sagot ni Mac. "Mac, are you..." si Kelvin na ang direktang nagtanong sa kaibigan. "Are we together?" putol ni Mac sa tanong ng kabarkada. Inaabangan ng lahat ang sagot ni Mac. Lalo na si Migs. "Yes. We are.." lakas-loob na pag-amin ni Mac sa mga kabarkada. "Oh shit! So you are..." dagdag pa na komento ni Kelvin. "Gay?" kompirma ni Mac sa tanong ni Kelvin. "To be honest, I don't think so. I can still fuck girls alam ko yun. Pero nung nakilala ko si Jude. Nag-iba lahat. Wala e. I fell in love with him.." si Mac. "I guess. Si Jude lang ang exception para magmahal ako ng lalake. I am not attracted to any other guys.." dagdag pa nito.

"Ohhh shit! You are in love! Let's drink to that!!" natutuwang sabi ni Russel sa kaibigan sabay abot ng bote ng beer kay Mac. Sumama na rin si Jed sa sala para makicelebrate sa pag-amin ng kabarkada. "Congrats pre! Sabi ko na nga ba may kakaiba sa inyong dalawa pag nasa klase tayo." pang-aasar ni Jed sa kabarkada. "Paano ba yan hindi ka na pala pwede sumama sa amin kapag mangchi-chicks kame?" dagdag na asar ni Jed sa kaibigan. "Don't worry pare. At least bawas na ang kakompitensya niyo.." yabang ni Mac sa barkada. Walang nagawa si Kelvin kahit labag ito sa loob niya. Kaibigan niya ito e. Umupo na rin si Kelvin sa sofa. Nanlumo si Migs sa narinig. May namumuong luha sa mga mata nito. Pinikit na lamang niya ito at sumandal sa isang sofa. "Dude, are you okay?" kinamusta ni Russel ang kaibigan. "I guess not.." si Arvin sabay tabi sa nagtutulug-tulugan na si Migs. "I am okay.." si Migs pagkatapos niyang huminga ng malalim. Tuluy-tuloy ang ginawa nilang pagbabanlaw.

5:00 AM. "So are you guys sleeping over?" muling tanong ni Russel sa mga kaibigan matapos maubos ang mga natitirang beer. "Ako!" agad na sagot ni Jed. "Okay! Pakitulungan na lang si Nico. Para makahiga na sa kwarto.." si Russel. Inalalayan ni Jed ang lasing parin na kaibigan papasok sa kwarto ni Russel. "Uuwi kame sa amin. Magpapababa lang ako ng tama. Migs sabay ka sa amin? Along the way ka naman.." si Mac sa kaibigan. "I'll sleep here.." tanggi ni Migs sa alok ng kabarkada. "I prepared yung guest room, Migs. Pwede ka dun matulog.." si Russel. Sumunod naman si Arvin kay Migs papunta sa guest room. "Uuwi ako dude. May dala akong kotse e.." si Kelvin. "Sige hatid ko na kayo sa lobby.." presenta ni Russel sa mga kabarkada.

"Are you sure na ayaw niyo muna magpahinga?" si Russel sa mga kaibigan habang nag-aantay ng elevator. Nakapiggy back si Jude sa likuran ni Mac. Bagsak talaga ito sa kalasingan. Ting. Bumukas ang elevator. Pinindot ni Russel ang "G" para sa ground floor. "Kaya mo pa?" natatawang tanong ni Russel sa kaibigan. "Yes!" masigasig na sagot ni Mac. Huminto ang elevator sa 8th floor. Isang lalaki ang pumasok sa loob ng elevator. Nakasalamin ito. Naka-sando at running shorts. Katamtaman ang tangkad. Medyo fair ang kulay ng balat. Halatang tatakbo ito ngayong umaga. Napatigil si Russel sa kanyang kinatatayuan. Amoy na amoy ang cologne ng lalaki sa loob ng elevator. Habang silang apat ay amoy alak. Nahihiya si Russel sa itsura niya ngayon at hindi mapakali. Hanggang lumapag na sila sa ground floor. "Rus, thank you ah. Happy birthday ulit.." paalam nila Mac sa kaibigan.

Samantala, ang mga naiwan sa condo nila Russel ay naghahanda na matulog. Nagulat si Migs pagkalabas niya ng banyo. Nakahiga na si Arvin sa kama na tanging suot lamang ay ang boxer shorts nito. May ipagmamayabang din naman si Arvin. Defined ang dibdib nito. Light brown ang mga utong. Makinis. Walang buhok sa katawan. Walang abs pero pwede na. "Hindi ka ba maliligo?" tanong ni Migs sa kasama. Hindi sumagot si Arvin. Walang nagawa si Migs kundi tumabi sa walang ligong si Arvin. Habang sa kabilang kwarto ay sinisimulang punasan ni Jed ang kabarkada nitong si Nico. Umungol si Nico nang dumampi ang malamig na bimpo sa kanyang dibdib. Tuluyan nang hinubad ni Jed ang suot na polo ni Nico.

Pinunasan ni Jed ang mukha ng kaibigan. May itsura naman si Nico. Chinito ang mata. May katangusan ang ilong. Ang labi ay mapupula. Pinagpatuloy na pinunasan ni Jed si Nico pababa sa dibdib nito. "Uhmmmm.." napabalikwas sa kinahihigaan si Nico. Marahan na pinunasan ni Jed pababa sa tiyan si Nico. May konting buhok ito sa pusod. Napalunok siya nang mapatitig ito sa butones ng pantalon ni Nico. Tanggal na ito sa pagkakahook. Labas na rin ang garter ng briefs ng kabarkada. Huminga ng malalim si Jed. "Wala lang ito! Wala lang ito!" paulit-ulit na sabi ni Jed sa kanyang isip. Marahang binaba ni Jed ang zipper ng pantalon ni Nico. Bumuka ng kaunti ang siper at lumantad na ang namumukol na harapan ni Nico. Bumubukol ang ulo ng alaga ni Nico. Malambot pa ito. Pero may ipagmamalaki na. Napalunok muli si Jed. Nagsimulang manuyo ang kanyang lalamunan. "Lalaki ako! Lalaki ako!" ulit ni Jed. Dahil lumuwag na ang pantalon ni Nico ay marahang binaba ni Jed ito. Para hindi mahirapan ay inangat ni Nico ang kanyang pwetan. Nagtaka si Jed at napatingin sa mukhan ng kaibigan. Nakapikit naman ito.

Tuluyan nang nahubad ni Jed ang pangalawa sa huling saplot ng kaibigan. Tanging ang puting briefs nalang ni Nico ang kanyang suot. Muling napalunok si Jed. Pangatlo na itong lunok. Binabaan pa ni Jed ang temp ng aircon. Mashadong mainit. Pinagpapawisan siya. Nabaling ang tingin ni Jed sa gitnang bahagi ni Nico. Napansin niya na medyo kumikislot ang alaga ni Nico mula sa huling saplot nito. Parang tumatango ito. Ngunit humihilik pa rin si Nico. Nilapit ni Jed ang kanyang mukha sa mukha ni Nico upang icheck kung ginugood-time lang siya ng kaibigan nang biglang hawakan ni Nico ang kanyang dibdib..


Susundan.

6 comments: