"Jude?" tawag ni Ace pagkapasok sa banyo. Ngunit agad siyang napaatras nang makita ang isang babae na nag-aayos ng spaghetti strap na suot. "Ay sorry, Miss!" agad na bulalas ni Ace. Ngumiti lang ang babae at nilagpasan lang si Ace na nasa pinto ng banyo. Napatingin muli si Ace sa karatula upang iconfirm kung sa banyo ng lalaki siya pumasok. Napakunot siya ng noo dahil panglalaki nga itong pinasukan niya. Muli siyang pumasok sa banyo upang hanapin kung naroon si Jude. Agad na lumabas si Jude sa kanyang cubicle at hinablot ang kamay ni Ace palabas ng banyo. "What happened? Bakit may babae dito?" naguguluhang tanong ni Ace sa kasama. "Shh! Mamaya ko na ikwekwento.." si Jude na nagmamadali pabalik sa kotse ni Ace. Ayaw niyang makita siya ni Denver o ni Karla. Pasakay na sana si Jude ng kotse nang biglang may tumawag sa kanyang pangalan. "Kuya Jude!" pamilyar ang boses. Napatigil si Jude sa pagsakay at hinarap ang tumawag sa kanya. Hindi nga siya nagkamali. Papalapit sa kanya si Denver. "Kuya Jude, magsisimbang gabi ka rin?" bati ni Denver na nakangiti. Hindi niya alam kung paano sasagutin si Denver sa oras na iyon. "Hindi.." maikling sagot ni Jude. "Sige. Pauwi na kame.." dagdag pa ni Jude sabay pasok na rin sa sasakyan ni Ace at iniwan ang nobyo ng kapatid.
----------
Hindi pa rin maalis sa isipan ni Jude ang kanyang nasaksihan sa pagitan ng kanyang kaibigan na si Karla at sa nobyo ng kapatid na si Denver. Nakatingin lang sa labas ng bintana si Jude habang nasa byahe kasama si Ace. Madilim pa rin ang kapaligiran. Pasado aa-alas tres pa lang kasi ng madaling-araw. Nakababa ang bintana ng kotse kung kaya malamig at preskong hangin mula sa malawak na kabukiran ang tumatama sa mukha ni Jude. Mga ingay lang ng mga kuliglig ang kanilang naririnig habang nasa byahe. Tanging liwanag mula sa buwan at headlights ng kotse ni Ace ang nagbibigay liwanag sa daan. Hindi malaman ni Jude kung sasabihin ba niya kay Chuchay ang tungkol kay Denver at Karla. Tiyak na magkakaproblema ang magkasintahan. Malamang masasaktan ang kanyang kapatid na babae. Ayaw niya mangyari iyon. Bata pa si Chuchay upang magkaproblema sa lovelife. Pero hindi rin naman papayag si Jude na lokohin ni Denver ang kanyang kapatid. "Bahala na.." sabi ni Jude sa kanyang sarili. Kasabay nun ay napahinga ng malalim si Jude at hindi naman nakaligtas iyon kay Ace. "Hey, ang lalim nun ah.." sabi ni Ace sa katabi sabay hawak ni Ace sa kamay ni Jude. Napabalik sa realidad si Jude nang marinig ang boses ni Ace kasabay ang mainit na palad na dumapo sa kanyang kaliwang kamay. Napatingin siya sa katabi na seryoso sa pagmamaneho. "Sorry. Inaantok lang.." pagsisinungaling ni Jude sabay ngiti. "Sorry ha. Sinama pa kita sa labas.." sagot ni Ace. "Hindi okay lang.." sagot ni Jude na bumalik sa pagtanaw sa madilim na kapaligiran.
"Jude.." simula ni Ace matapos niyang patayin ang makina ng kotse. Nakapark na sila sa labas ng bahay ni Jude. Pababa na sana si Jude ngunit napahinto siya nang marinig ang pagtawag ni Ace sa kanyang pangalan. Napalingon siya sa katabi. Napalunok si Jude dahil seryosong nakatingin sa kanyang ang binata. Naaninag ni Jude ang gwapong mukha ni Ace sa tulong ng liwanag mula sa buwan. Unti-unti tuloy kumabog ang kanyang dibdib. Biglang nag-init ang kanyang pakiramdam. Marahil sa mabilis na pagdaloy ng kanyang dugo sa kanyang buong katawan. "A-a-ano yun?" nauutal na tanong ni Jude sa kaharap. "M-m-may sasabihin s-sana ako.." nauutal rin na sagot ni Ace. Alam ni Ace na pagkakataon na niya ito upang masabi kay Jude kung bakit talaga siya nasa Bicol. Ramdam ni Ace ang malakas na pagkabog ng kanyang puso sa dibdib. Ramdam niya na namamawis ang kanyang mga palad. Nakakatulong ang medyo madilim sa kanilang pwesto at hindi napapansin ni Jude ang namumuong pawis sa kanyang noo. Kahit na naka-aircon sa loob ng kanyang kotse ay init na init siya. Muling pinagmasdan ni Ace ang maamong mukha ni Jude. Alam niyang handa na siyang umamin ng kanyang nararamdaman sa kaharap ngunit tila ba ay siyang natotorpe. Ramdam niya ang rambulan sa kanyang tiyan. "Jude.." muling tawag ni Ace sa pangalan ng binata at huminga siya ng malalim bago sambitin ang mga katagang "G-gusto kita.."
Biglang tumalbog ang puso ni Jude nang marinig ang mga huling salita ni Ace. Ramdam niya ang paghinto nito. Kahit na pabulong na sinabi ni Ace ang mga katagang iyon ay parang dinig na dinig iyon ni Jude. Parang biglang nawala lahat ang ingay ng mga kuliglig at insekto sa labas ng kotse. Napansin ni Ace ang biglang ekspresyon ng mukha ni Jude - ang paglaki ng kanyang mata at pagbuka ng kanyang mga mapupulang labi. Hindi na mapigilan ni Ace ang kanyang sarili. Kailangan na niyang maisawalat ang kanyang nararamdaman habang malakas pa ang kanyang loob. "I think I am falling for you.." lakas-loob na pag-amin ni Ace sa katabi. "Ayokong matapos ang taon na ito na hindi ko masabi ang nararamdaman ko.." pagpapatuloy ni Ace. "That is why I am here. Ayokong sabihin ito via phone. Gusto kong makita ang reaksyon mo.." sabi pa ni Ace sabay hawak muli sa mga kamay ni Jude. Parehas na malamig ang kanilang mga kamay. Unti-unting nilapit ni Ace ang mga hawak na kamay ni Jude sa kanyang mga labi. Isang dampi ng halik ang binigay ng binata sa kamay ni Jude. "Gusto kita, Jude.." ulit ni Ace. Hindi pa rin makagalaw si Jude sa bilis ng mga pangyayari. Hindi pa rin makapaniwala na ang masungit na si Ace ay umaamin na may gusto sa kanya. Ramdam niya ang init ng hininga nito na dumadapo sa kanyang balat. Ang pinapantasya niya lang noon ay ngayon nasa kanyang harapan, hawak ang kanyang mga kamay. Muling pumasok sa kanyang isipan kung paano sila nagsimula ni Ace - sa parking lot ng kanilang unibersidad. Sa kotse rin ni Ace. Kung gaano siya kasabik na matikman ang binata nung panahong iyon. Kaya naulit iyon ng naulit. Hindi pa niya kilala noon ang nobya ni Ace. Si Amanda. Pumasok sa kanyang isipan ang mukha ng dalaga. Nakangiti sa kanya.
Agad niyang binawi ang kanyang mga kamay sa pagkakahawak ni Ace. "Ace.." biglang sabi ni Jude. Napatingin si Jude sa harapan. Ayaw niyang lingunin ang binata. Alam niyang bibigay siya sa binata. Lalo na kapag napatitig ito sa mga mata ni Ace. Marahan hinawakan ni Ace ang mukha ni Jude. Marahan niyang pinaharap ito sa kanya. "Jude, I will wait. I know what happened between you and Mac. And I respect the space and time you need.." si Ace na pinako ang kanyang mga tingin sa mga mata ng binata. Ramdam ni Ace ang init ng balat ni Jude. "Gusto ko lang aminin to sayo. Para kasing sasabog na to sa dibdib ko.." sabi pa ng binata. "S-s-si Amanda. Kaibigan ko si Amanda.." nauutal na sagot ni Jude. "Wala na kame ni Amanda.." tanging sagot ni Ace. "K-k-kaya mo ba siya iniwan?" balik na tanong ni Jude. "Hindi ko na siya mahal tulad ng dati. At ayokong lokohin siya. Ayoko rin lokohin ang sarili ko.." sagot ni Ace. "I like you. And don't ask me why I like you. It just happened. I felt crazy when I am with you. And crazier if I am not with you.." mas mahabang sagot ng binata. "Jude, I really like you. Ikaw ba?" tanong ni Ace sa katabi. Hindi alam ni Jude kung anong mararamdaman, kung kikiligin ba siya, matutuwa. Hindi pa niya masagot ang tanong ni Ace. "Hindi ko hihingiin ang sagot mo ngayon, Jude. Aantayin ko hanggang maging ready ka. Gusto ko lang talaga na malaman mo na gusto kita. Gustong-gusto.." si Ace sabay hubad sa gintong kwintas na suot. "My lola gave it to me. This is important sa akin. And I want you to know na ganito ka kaimportante sa akin. I hope na one day makita ko na suot mo ito and that will tell me na you're ready na.." sabi ni Ace sabay abot kay Jude. Naunang bumaba si Ace ng kotse at pumasok sa gate. Unti-unting tinignan ni Jude ang kwintas na nasa kanyang palad. Mas bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. Masaya ito. Alam niya. Pero iba ang sinasabi ng kanyang isip. Nangangamba. Para kay Ace. Kay Amanda. Kay Mac.
Alas-syete na ng umaga nang magising si Jude. Mataas na ang sikat ng araw sa labas ng bintana. Pero malamig pa rin ang simoy ng hangin na pumapasok sa kanyang kwarto. Napatingin si Jude sa kanyang tabi. Wala na si Ace. Maaga itong bumangon. Rinig na rin Jude ang mga boses ng kanyang kapatid na si Chuchay at kanyang nanay na si Mayang. Alam niyang abala ang lahat sa paghahanda para sa pagsalubong ng Pasko. Noche buena na kasi mamaya at plano ng kanyang nanay na maghanda bilang pasasalamat sa panibagong buhay ng kanyang tatay. At sa bisita nila na si Ace. Agad na bumangon si Jude sa kanyang kinahihigaan at inayos ang kama. "Good morning, Chuchay.." bati ni Jude sa kapatid pagkalabas ng kanyang kwarto. "Puyat lang, kuya? Buti pa si Kuya Ace natulong.." sagot ni Chuchay sa bagong gising na kapatid. "Ang sungit! Paskong-Pasko.." si Jude sabay yakap sa kapatid na abala sa paghihiwa ng mga gulay para sa pansit na niluluto. "Kumain ka na ng almusal.." singit naman ni Mayang na naghihiwa ng mga karne para sa isasahog sa mga ulam mamaya. "Si Ace po ba kumain na?" tanong ni Jude. "Kasabay namin kanina.." sagot ng kanyang nanay. "Andun siya sa labas. Kasama ni Papa. Dalian mo na dyan para makatulong ka sa kanila.." si Chuchay. "Opo, Mama.." sagot ni Jude sa kapatid at nag-simula na siyang mag-almusal.
Agad naman lumabas si Jude matapos kumain ng agahan. Alam niyang kanina pa nagsisibak ng kahoy ang dalawa sa likod-bahay nila. Kung kaya nag-dala siya ng pitsel ng malamig na tubig para sa dalawang barako. "Papa, Ace, uminom mu.." natigilang sambit ni Jude nang mamasdan ang itsura ng binatang si Ace. Hubad ang suot nitong pang-itaas at tanging shorts lang ang suot. Labas din ang garter ng itim nitong briefs. May puting bimpo na nakasabit sa leeg. Pawis na pawis sa ginagawang pagsisibak. Napalunok si Jude. Ramdam niya ang panunuyo ng kanyang lalamunan. Napako si Jude sa isang butil ng pawis ni Ace sa kanyang noo. Sinundan niya itong gumapang pababa sa pisngi ng binata, pababa sa leeg. Pababa sa dibdib. Ramdam ni Jude ang pag-init ng kanyang katawan. May unti-unting nagigising. Hindi pa rin natitinag ang pagsunod ni Jude sa butil ng pawis sa katawan ng binata. Mula sa dibdib ni Ace ay gumapang paibaba ang pawis sa pagitan ng mga mala-pandesal na abs ng binata. At umabot ito sa pusod ni Ace. May buhok ito. Napaubo ng kaunti si Jude. Parang nabilaukan. Mula sa pusod ay bumaba ang pawis at natrap ito sa garter ng briefs ni Ace. Kita ni Jude ang mala-tent na bukol sa harapan ni Ace. Hindi pa ito matigas. Alam ni Jude pero namumukol na ito. "Masarap ba?" tanong ni Ace sa natigilang binata. "Masarap.." walang kaabog-abog na sagot ni Jude. "Ha? I mean m-malamig. Malamig tong tubig.." nauutal na sagot ni Jude. Nakangiti lang si Ace. Ngiting nang-aasar. Alam ni Jude na nahuli siya ni Ace na pinagpapantasyahan niya ang katawan nito. At hindi pa nagpaawat si Ace. Mala-modelong ininom ni Ace ang tubig mula sa baso. May natulo pa sa bawat paglagok nito. Kitang-kita tuloy ni Jude ang Adam's apple ng binata. Isa sa mga nagpapaturn on kay Jude. "Pa, tubig oh.." baling ni Jude sa ama na kanina pa hinihintay ang basong may tubig. Agad niyang pinigilan ang sarili na pagnasahan ang katawan ng bisita. "Huwag kang marupok.." bilin ni Jude sa sarili.
Pasado alas-singko na ng hapon nang matapos ang pamilya sa pag-aayos ng kanilang ihahanda para sa Noche Buena. Nagsimula na rin mag-gayak ang mag-asawa upang makadalo ng misa. "Kuya, ang tagal mo naman maligo.." sungit ni Chuchay sa kapatid. "Ayan na. Sabihan mo ako kapag tapos ka na para magising ko na si Ace. Siya naman maliligo.." bilin ni Jude sa kapatid. Pumasok si Jude sa kanyang kwarto kung saan nagpapahinga si Ace. Tulog ang binata. Alam niyang pagod ito sa buong-araw na trabaho. Mula sa pagsisibak ng kahoy, pagkatay ng manok, paglitson ng manok at pagkabit ng mga pailaw sa kanilang bahay. Kahit alam niyang tulog si Ace ay mabilis siyang nagsuot ng briefs sa ilalim ng twalyang nakatapis sa kanyang bewang. Marahang lumapit si Jude sa kanyang kama upang hindi magising si Ace sa kanyang pagtulog. Pinagmasdan muli ni Jude ang binata. Napakaamo nito habang tulog. Umupo si Jude sa tabi ng nakahigang si Ace. Nakatakip ang isang braso nito sa kanyang mga mata. Dahil wala ting pang-itaas si Ace ay lantad na lantad kay Jude ang makapal na buhok sa kilikili ni Ace. Ang utong nito na medyo pinkish. At ang lumulutang na abs nito sa tiyan. Winaglit muna ni Jude ang kanyang pagpapantasya sa katawan ng binata. "Salamat, Ace ha.." mahinang sambit ni Jude. "Alam kong mahirap rin ang sitwasyon natin. Pero magiging handa rin akong sagutin ang tanong mo. Hindi man ngayon, pero sa tamang panahon.." si Jude sabay himas sa pisngi ni Ace. Medyo magaspang dahil na rin sa mga patubong balbas nito sa mukha. Nagulat si Jude nang biglang bumalikwas si Ace at hinuli ang kanyang mga kamay. Kahit nakapikit si Ace ay nakangiti ito. Tanda na gising ang binata at naririnig ang kanyang sinasabi. Hawak ni Ace ang kanyang mga kamay sa mukha nito. Minulat niya ang kanyang mga mata at ang nakatitig na si Jude ang agad niyang namasdan. Umupo siya sa kama kaharap ni Jude. "Hihintayin kitang maging handa, Jude. Pero promise me na you will let me love you.." mahinang sabi ni Ace habang nakatingin sa mga labi ni Jude. Sa mababa nitong tono. Nakakakilig. Nakakalambot ng puso. Tagos sa kanyang dibdib. Alam ni Jude na may binabalak si Ace. Ramdam niya ang paglapit ng mukha ni Ace sa kanyang mukha. Wala siyang lakas upang itulak palayo ang papalapit na binata. Pagpikit na lamang ng kanyang mga mata ang kanyang nagawa. Napangiti si Ace nang makita ang pagtanggap ni Jude sa balak niyang paghalik.
Ilang sandali pa ay naglapat na ang kanilang mga labi. Labi sa labi. Sinubukan ni Ace galawin ang kanyang mga labi at hindi pa rin naman tumanggi si Jude. Hinalikan ni Ace ang labi ni Jude. May pagsipsip. May marahang pagkagat. Nagsimula na rin sumagot si Jude sa ginagawang paghalik ng binata sa kanyang mga labi. Napakapit si Jude sa balikat ni Ace habang si Ace naman ay napahawak sa pisngi ni Jude habang ang isang kamay niya ay umalalay sa likuran ng ulo ni Jude. Tila ba na ayaw niyang matapos ang ginagawang pagpapalitang-laway. Halik dito. Halik doon. Marubdob. Mainit. Labi sa labi. Ngunit paminsan ay may paglabas ng dila upang ipasok sa loob ng bibig ng kahalikan. Manamis-namis ang laway ng dalawa. Parehas nilang nalasahan ang isa't isa. Hindi na nakapigil si Ace at marahang hiniga si Jude. Mas maalab na ngayon ang kanilang halikan. Matagal na niyang kinasasabikan matikman muli ang lasa ni Jude. At heto na nga. Hindi na niya ito sasayangin. Labi sa labi. Dila sa dila. Laway sa laway. Gumapang ang mga kamay ni Ace sa dibdib ni Jude. Medyo basa ang katawan ni Jude. Alam niyang bagong ligo ang binata. Agad niyang nilamas ito. "Arghhh!" ungol ni Jude nang maramdaman ang mainit na palad na lumalamas sa kanyang dalawang dibdib. Nilaro-laro pa ni Ace ang dalawang butil na naroon. Mula sa labi ni Jude ay gumapang pababa ang mga labi ni Ace sa leeg ni Jude. Magkahalong tamis at alat ang nalalasahan ni Ace. Amoy rin ni Ace ang natural na bango ni Jude. "Fuhcck!" sambit ni Ace na mas lalong nilaplap ang leeg ng binata. Mula sa leeg ay tumungo si Ace sa bandang tenga ni Jude. "I miss you. I miss this.." bulong ni Ace. Mahina. Mainit ang buga ng hininga ni Ace. Naghatid ito ng kuryente sa buong katawan ni Jude at ramdam niya ang epekto nito lalo na sa kanyang alaga. Agad naman tinakpan ni Jude ang kanyang naninigas na alaga. Pero may tumatama rin sa likod ng kanyang kamay. Ramdam niya rin ang nagsisimulang paggising ng alaga ni Ace.
Dinilaan ni Ace ang tenga ni Jude mula sa labas paikot sa kalooban ng butas ng tenga nito. "Aaaaaaghhh!" nakikiliting ungol ni Jude. Napapikit na lamang si Jude at dinadama ang sarap ng ginagawa ng binata. Kinagat-kagat pa ni Ace ang nakalaylay na balat ng kanyang tenga. "Tuloy ko pa?" tanong ni Ace. Tumango lang si Jude at nagpatuloy na si Ace pababa sa dibdib ni Jude. Dinilaan ni Ace ang leeg ni Jude patungo sa balikat ng binata. Napangiti si Ace. Inangat ni Ace ang isang braso ni Jude at lumantad sa kanya ang kilikili ni Jude. Medyo nailang si Jude dahil wala pa siyang suot na deodorant. May buhok rin si Jude dun. Agad na sininghot ni Ace ang amoy ni Jude. Fresh. Amoy na amoy ang sabon na ginamit. Agad na dinilaan ni Ace ang kilikili ni Jude tulad nang ginagawa niya sa mga nakakasiping na babae. First time niyang humimod ng kilikiling may buhok. Binasa ni Ace ang bawat hibla ng buhok sa kilikili ni Jude. "Aaaaagghhh! Tanginaaaahhh!" ungol na may halong kiliti na sambit ni Jude. Hindi niya mapigilan na maiunat ang kanyang mga paa. Hindi niya mawari na magagawa iyon ni Ace sa kanya. "Ang bango mo, Jude!" puri ni Ace sa binata. Mula sa kilikili ni Jude ay dumiretso ang pagdila at paghalik ni Ace sa dibdib ni Jude. Ilang sandali pa ay narating ni Ace ang utong ni Jude. Agad niyang sinipsip iyon. "Agggghh!! Fuuuuhck!" mahinang ungol ni Jude. Pinisil ni Ace ang dibdib ni Jude at parang ginawang suso ng babae. Sipsip. Dila. Marahang kagat. Mabilisang pagdila. Matinding pagsipsip. "Aaaaaahhhh!" ungol muli ni Jude. Hindi na niya mapigilan ang sarili. Sinimulan niyang pisilin ang naninigas niyang batuta. Nagwawala na itong makaalpas sa loob ng kanyang briefs. "Ang sarap mo, Jude!" puri ni Ace sa binata na patuloy pa rin sa paglamas at pagsipsip sa dibdib ni Jude. Salit-salitan na ang ginagawa ni Ace sa pagsipsip sa magkabilang utong ni Jude. Namumula na rin ang paligid nito dahil sa matinding pagsipsip.
Bumalik muli si Ace sa mga labi ni Jude. Muli niyang itong hinalikan. Hindi na nagpakipot si Jude at lumaban na rin ito sa halikan nilang dalawa. Labi sa labi. Dila sa dila. Ngipin sa ngipin. Muling nagespadahan ang kanilang mga dila. Kasabay nun ang palitan ng laway. "Uhmmm!" ungol ni Ace. Ilang minuto rin ang ginawa nilang laplapan. Bumangon si Ace sa kama at tumayo sa harapan ni Jude. Marahan niyang hinubad ang suot na shorts at tanging natira ang itim na briefs nito. Inalalayan ni Ace na umupo si Jude sa gilid ng kama. Nasa harapan ngayon ni Jude ang kabuoan ng binata. Hinimas ni Ace ang medyo pang basang buhok ni Ace at ginabayan ito na lumapit sa kanyang katawan. Hindi na nagmatigas si Jude at napatayo na siya sa harapan ng binata. Nagsimula na rin niyang romansahin ang katawan ni Ace. Nagsimula siya sa leeg. Alat ang kanyang nalasahan. Masarap na maalat. Agad niyang sinipsip ang Adam's Apple ni Ace. Napaunat naman ang ulo ni Ace upang maromansa pa ni Jude ang kanyang leeg. Dila. Kagat. Sipsip. Dila. Sipsip. Dila. "Aaaaagggh! Fuck! Sige paaaahhh!" ungol ni Ace. Mahina at pinipigil niya. Alam niyang nasa kabilang kwarto lang ang pamilya ni Jude. Nang magsawa si Jude sa leeg ni Ace ay dumiretso ito sa dibdib ni Ace. Gaya ng ginawa sa kanyang ng binata ay binigyan ligaya rin ni Jude ang dalawang butil sa dibdib ng binata. Sipsip. Kagat. Dila. Sipsip. Kagat. Sipsip. "Ooooooohhh! Putanginaaahh!" ungol ni Ace. May dumidikit na sa bandang tiyan ni Jude na napakatigas. Alam niyang buhay na espada ni Ace ang tumatama rito kung kaya sinimulan niyang amuhin ito. Hinimas ang ulo at katawang nakabakat sa itim na underwear ng binata. "Putaaaahhhnginaaahhh!" impit na ungol ni Ace. Nakikiliti siya sa ginagawa ni Jude.
Hindi na nakatiis si Ace at napahawak na siya sa ulo ni Jude. Pilit na tinutulak pababa ang ulo nito upang matapat na sa kanina pang nagwawalang ahas sa loob ng kanyang salawal. "Sigeeehh! Juuhhhde! Tuloy mo lang!" ungol ni Ace. Hindi na nga nagpatumpik-tumpik pa si Jude at lumuhod na siya sa harapan ni Jude. Napasandal si Ace sa pinto ng kwarto ni Jude. Muling sinulyapan ni Jude ang mukha ni Ace. Nakatingin ito sa kanya at ngumiti. "Excited na yan makita kang ulit.." nang-aakit na sabi ni Ace sa binata. Napangiti naman si Jude at muling hinarap ang bukol na bukol na harapan ni Ace. Napalunok siya. Ilang buwan rin niyang hindi nakita ito. Marahang binaba ni Jude ang briefs ni Ace at hindi nga nagkamali si Jude na agad tumalima ang alaga ng binata. Tutok na tutok sa kanyang mukha. Muling napalunok si Jude. Trimmed ang buhok na nakapaligid rito. Maputing singit dahil medyo mestiso si Ace. Pinkish ang mala-kabuteng ulo nito. May kaunting balat na nakalaylay. Medyo matabang katawan nito. Walang kaugat-ugat. Namamayagpag rin ang dalawang itlog na nakalaylay sa pagitan ng mga hita ng binata. Napalunok muli si Jude. Napansin niya ang namumuong katas sa butas sa uluhan ni Ace. Walang sabi-sabi ay tinikman niya iyon. "Ohhhhhh fuck yeeaaaahhhh!" ungol ni Ace nang maramdaman ang pinatulis na dila ni Jude. Isa pang dila ang ginawad ni Jude sa ulo ni Ace bago nito tuluyang sinispsip ang ulong bahagi ng alaga ni Ace. "Ooooohhhh! Fuuuughk.." impit ni Ace. Medyo nakikiliti siya. Alam niyang tigas na tigas na siya sa ginagawang panguudyo ni Jude sa kanyang alaga. Mula sa pagsipsip ng ulo ay marahang pinasok ni Jude ang kahabaan ni Ace hanggang tumama ang ulo nito sa kanyang lalamunan. Namiss ni Jude ang lasa ng burat ni Ace. Pinaghalong alat, tamis at pait. Lasang barako. Pati ang amoy nito. Amoy barako. Lalaking-lalaki.
Mas diniin pa ni Ace ang kanyang kahabaan sa kalooban ng bibig ni Jude. Deepthroat kung deepthroat. Ilang segundo rin ang tinagal ni Jude at niluwa. Ngunit isa pang mabilisang pagsubo ang ginawa ni Jude na nagpaulol kay Ace. Sagad na sagad sa lalamunan nito. Tumatama na sa pisngi ni Jude ang balat ni Ace. Kayang-kaya ni Jude ang pito't kalahating pulgada ng binata. Medyo nabibilaukan si Jude ngunit kinakaya. Nagsimulang maglabas-masok ito sa loob ng kanyang bibig. Mabilis na minsay bumabagal. Na minsan may kasamang pagsipsip. "Oooooohhhh shit! Sige paaaaagggh! Suuuuhhhck meeehhh!" ungol ni Ace sa binatang nakaluhod. Parang musika sa pandinig ni Jude ang mga ungol at impit ni Ace kung kaya mas lalo niyang ginalingan. Kasabay nang paglabas-masok ng kahabaan ni Ace sa kanyang bibig ay kanyang nilaro ang dalawang itlog. "Uuuuuuuuggghhh! What are you dooooghhhhhing?" ungol ni Ace. Nakikiliti siya sa ginagawang pagkiliti ni Jude sa kanyang betlog. Masarap sa pakiramdam. Hindi na nakatiis si Ace at hinawakan na ang ulo ni Jude. Nagsimula na siyang kumadyot sa mukha ng binata. Labas-masok. Kadyot dito, kadyot doon. Labas-masok. Mabagal na bumibilis. Pabilis ng pabilis. Ramdam ni Ace ang paginat ng kanyang mga binti. Naninigas ang mga masel nya sa binti. Mas napasandal siya sa pinto ng kwarto. "Isubo mo paaaggghh akooohhh!" ungol ni Ace. Niluwa ni Jude ang kahabaan ni Ace. Puno na ito ng laway. Ang dalawang itlog naman ang pinagtuunan ng pansin ni Jude. Dinilaan. Isinubo. Sinipsip. Sa una ay isa at lumipat sa isa. Nang matantya na ni Jude na kakasya sa bibig niya ang dalawang itlog ay sinubukan niya itong kainin. Hindi naman siya nabigo. "Aaaaaaghhhh! You are soooo gooooohhhd!" puri ni Ace.
"Aba, Chuchay. Dalian mo dyan sa banyo at maliligo pa ang Kuya Ace mo.." sita ni Mayang sa anak. "Nagpupunas na po.." sagot ni Chuchay. Ilang sandali pa ay lumabas na ng banyo ang dalagita. "Katokin mo na ang Kuya Jude mo nang magising na niya si Ace. Alas sais na oh.." si Mayang. "Opo, Ma.." sagot na lamang ng dalaga. Agad na tumungo si Chuchay sa harap ng pinto ng kanyang Kuya Jude. Napatigil siya nang kakatok na sana ito sa pinto. "Baka magising si Kuya Ace.." si Chuchay kung kaya hinawakan niya ang door knob upang sumilip sa loob. Ngunit napatigil muli siya. May naririnig siyang parang basang bagay. Shlurp. Shlurp. Nagtaka si Chuchay kung ano ang ginagawa ng kanyang kuya sa kwarto. At dali-daling pinihit ang door knob. Kahit na hindi nakalock ito ay hindi ito tuluyang nabuksan ni Chuchay. "Ouch!" sambit ni Ace nang tumama ang bumukas na pinto sa kanyang likuran. Agad naman nailuwa ni Jude ang kahabaan ni Ace at tumayo. Agad itong tumalikod at binuksan ang cabinet. Agad siyang kumuha ng twalya at inabot kay Ace upang pangtapis sa hubad niyang katawan. Sumilip si Ace sa puwang ng pinto. "Ayy Kuya Ace! Gising ka na pala. Sorry!" sambit ni Chuchay sa bisita ng kapatid. "No, it's okay. Ano ba yun?" sagot ni Ace. Masakit ang kanyang balls sa nabiting pagsabog. Tigas na tigas pa rin ang kanyang alaga kaya ingat na ingat siya sa pagbukas ng pinto. "Ah eh. Wala na kasing gumagamit ng banyo baka gusto mo nang maligo.." sagot ni Chuchay. "Ahh okay sige sige. Lalabas na ako.." sagot ni Ace na agad sinara ang pinto. Natawa ang dalawa nang makita ang kanilang namumulang mga pisngi. Napakamot si Jude sa kanyang ulo. "Sige na. Maligo ka na..." utos ni Jude kay Ace. Agad naman nagiba ang mukha ni Ace - mula sa pagtawa bigla itong naging parang bata na hindi pinayagan makuha ang gusto nito. "Jude, paano naman to?" tanong ni Ace habang nakaturo sa nakatutok paring alaga nito. Natawa si Jude na nahiya. "Next time. Sige na lumabas ka naaa.." si Jude sabay tulak palabas sa binatang nakatapis lang ng twalya.
"Humayo kayo at magpalaganap ng pagmamahal. Maligayang Pasko sa inyo lahat.." bati ng pari sa Misa de Gallo at tumugtog na nga ang tugtog na pang-Pasko. Masayang nagbatian ang mga naruon. Agad na lumapit si Jude sa mga magulang. Nagmano at humalik ito. "Pa, Ma. Merry Christmas po.." bati ni Jude sa magulang. Sumunod naman sina Chuchay at Ace. Nagmano rin ang mga ito sa dalawang matanda. "Chuchay, Merry Christmas kahit na napakasungit moooo.." bati ni Jude sa kapatid. Yumakap rin ito ng mahigpit. "Tse!" sagot lang ni Chuchay ngunit gumanti rin ito ng yakap. Hindi na rin nahiya si Jude na yakapin si Ace tutal Pasko naman. "Merry Christmas, Ace.." bati ni Jude. "Thank you for making me experience this.." sagot na bulong ni Ace sa binata na yumakap rin sa kanya. May kuryente. May malisya. "Sana masaya Pasko mo.." sagot ni Jude. "Oo naman. Masaya dahil kasama kita.." si Ace sabay dampi ng halik sa pisngi ng binata. "Uy.." gulat na sabi ni Jude sabay tulak kay Ace. Natawa naman si Ace sa inasal ni Jude. Nang biglang sumulpot si Lucas sa kung saan man. "Buti naman at naghiwalay na kayo. Kanina pa kayo nagyayakapan e.." nang-aasar na sabi ni Lucas. "Uy, insan. Merry Christmas.." bati ni Jude sabay niyakap na rin ang pinsan. "Kelan ba uuwi ang asungot na yan?" bulong ni Lucas na masama pa rin ang tingin kay Ace. "Insan, sabi ni Father, magpalaganap ng pagmamahal.." natatawang sagot ni Jude. "Merry Christmas, Jude.." bati ni Lucas sabay yakap sa katawan ng pinsan. Gumapang ang isa nitong braso sa bewang ni Jude at tinulak na mas mapalapit sa kanyang katawan. Ramdam iyon ni Jude ngunit hindi na lang niya pinansin iyon. Mabuti na lang at dumating na rin ang dalawa pa niyang pinsan at mga tito at tita. Doon na humiwalay si Jude kay Lucas at binati na rin ang iba nilang kamag-anak. "Merry Christmas, pre.." bati ni Ace at inabot ang kanyang kamay upang makipagkamay. Ngunit tinignan lang ito ni Lucas at iniwan si Ace. Napatawa na lang si Ace sa inasal ng pinsan ni Jude.
"Bakit naman biglaang nagbago ang plans? Puro sweater pa naman dala ko.." naiinis na sabi ni Migs sa mga kaibigan na sina Jed at Nico. "Ewan ko ba dun kay Mac. Mas trip niya daw mag-excursion sa Mayon kesa mag-chill sa Baguio.." sagot ni Nico. Kasalukuyang nasa airport ang magkakaibigan habang hinihintay ang pagdating ni Mac. Ilang sandali pa ay dumating na ang kotse nila Mac. "Salamat sa pag-agree sa late changes ah.." bati ni Mac sa mga kaibigan pagkababa nito sa kotse nila. "No problem, dude. Ikaw naman nagbayad ng airfare namin e.." natatawang sagot ni Jed. Nakapasok na lahat sa lounge kung saan naghihintay na lamang ang apat sa boarding papuntang Legazpi. Nakasimangot pa rin si Migs dahil sa nabagong plano. "Hey, Migs. Huwag ka nang magalit dyan. At least, makakapunta na tayo sa Mayon.." lambing ni Mac sa nakakunot na kaibigan. "Ano ba kasing meron sa Bicol?" inis na tanong ni Migs. "Ahh ehh.." natigilan si Mac sa tanong ng kaibigan. "M-meron dun ATV around sa Mayon Volcano. Cool yun. Plus maprapractice pa natin photography skills mo. Andaming attractions dun.." pang-eenganyo ni Mac sa kaibigan. "And you know what Migs, meron urban legend na kapag nagpakita si Mayon ng buo at kasama mo yung taong mahal mo. Forever na kayo magkakasama.." singit pa ni Nico. "S-seryoso?" pagkukumpirma ni Migs habang nakatingin kay Mac na nakikipagkwentuhan kay Jed. Tumango lang si Nico. Ilang sandali pa ay nagtawag na ang mga attendant upang makapagsimula na mag-board sa eroplano. Katabi ni Mac si Migs habang si Jed at Nico naman ang magkatabi sa kabilang row. "Hindi ka na galit?" tanong ni Mac sa kaibigan. "Hindi na. Thanks at sinama mo kame.." tanging sagot ni Migs sabay ngiti. Ngiting may pag-asa. "We will arrive at Legazpi airport around 11:30 in the evening. 30 minutes before Christmas Day. We want to greet you first a Merry Christmas and thank you for flying with us.." bati ng piloto sa kanyang mga pasahero. Dinim lights na ang buong eroplano upang makapagpahinga ang mga ito. Ngunit gising na gising pa rin si Mac. Nakasilay sa kanyang telepono. Pumunta si Mac sa private folder nito at kanyang sinulyapan ang nagiisang litrato ni Jude. Mahimbing na natutulog sa kanyang mga braso. "I miss you, babe.." bulong ni Mac sa kanyang sarili.
Masayang natapos ang selebrasyon ng pamilya ni Jude at ni Ace. Busog ang lahat sa mga handang pagkain na niluto nila Chuchay at nanay ni Jude. "Ma, magpahinga na kayo. Kame na ni Chuchay ang magliligpit dito.." presenta ni Jude. "Sige, anak. Salamat.." sagot ni Mayang habang inaalalayan ang asawa paakyat sa kanilang kwarto. Nagsimulang maghugas si Jude ng mga hugasin habang si Chuchay naman ang naglilipat ng mga tirang pagkain upang mailagay sa ref. "Hindi ba dadalaw si Denver dito?" tanong ni Jude sa kapatid. "Bukas susunduin niya ako. May family lunch sa kanila. Bakit kuya?" tanong ni Chuchay. Wala pa rin siyang kamalay-malay sa relasyon ni Denver at Karla. "Wala naman. Ikaw ba, sigurado ka na kay Denver?" seryosong tanong ni Jude. "Oo naman, kuya. Sigurado naman na mahal niya ako at mahal ko siya.." sagot ni Chuchay. "Wala siyang iba?" biglang natanong ni Jude. Hindi na niya mapigilan ang sarili. "W-w-wala?" patanong na sagot ni Chuchay. Maraming nagkakanduhamog na babae pati bakla sa kanyang boyfriend. Pero wala pa naman siyang nahuhuli. "Chuchay, ikaw bata ka pa. Marami ka pa makikilala. Huwag mo muna ibigay lahat lahat kay Denver.." bilin ni Jude sa batang kapatid. "Oo naman. Hanggang kamay lang siya sa akin.." si Chuchay sabay aktong na parang nagjajakol. "Hoooooy!" gulat na sabi ni Jude sabay wisik ng sabon sa kapatid. "Joke lang kuyaaaaa!!" natatawang sagot ni Chuchay. "Ang saya niyo dyan ah. Tulong ako.." singit ni Ace sa magkapatid. "Naku, Ace. Magpahinga ka na sa kwarto. Patapos na rin naman kame dito.." sagot ni Jude. "Ikaw, Chuchay. Kailangan mo ba ng tulong ko?" si Ace sabay flex ng kanyang biceps. Natawa naman si Jude at Chuchay. "Okay na kuya.." sabi ng dalaga.
"Ladies and gentlemen, we are happy to welcome you here in Legazpi.." bati ng flight attendant sa mga pasahero. Mag-aalas dose na nang makasakay ang apat na magkakaibigan sa service nila papunta sa hotel na tutuluyan nila sa bakasyong iyon. "Bro, good for four naman yung kwartong kinuha ko. Okay lang naman sa inyo diba?" si Mac sa mga kabarkada. "Oo naman. Jed, Nico, kayo na magtabi sa kama ah.." sabi ni Migs. "No problem.." sagot ni Jed. Napansin ni Migs na tahimik si Mac habang nasa byahe. "Hey are you okay?" tanong ni Migs sa kaibigan. "Yes.." maikling sagot ni Mac. "Iniisip mo ba sina Tita?" tanong muli ni Migs. Umiling lang ang binata. Pinagmasdan na lang ni Mac ang mga mailaw na parol na nadaanan nila. Ilang sandali pa ay huminto na ang kanilang service sa tapat ng hotel. "Mga sir, welcome po sa The Oriental Legazpi. Merry Christmas po.." bati ng driver. "Thank you, Manong.." si Mac sabay baba na sa maliwanag na lounge ng hotel. "Marhay na banggi.." bati ng mga empleyado ng hotel. "We have a Christmas party po sa poolside and it's complimentary po if you want to join.." sabi ng receptionist. "Yes, we will.." excited na sagot ng mga binata. "Great! Ihatid na lang po namin sa room niyo ang mga luggages niyo.." sabi pa ng receptionist. "Yes. Thank you!" sagot ni Mac. Hindi na nagbihis ang apat at agad nang tumungo sa poolside. Aninag nila ang Bulkang Mayon sa kalayuan dahil na rin sa liwanag na mula sa buwan. Medyo maraming tao rin ang naroon. Halo-halo. May matatanda. May bata. Babae, lalaki. "Mac, do you want something?" tanong ni Migs. "Yeah. Beer na lang siguro.." sagot ni Mac na umupo sa isa sa mga couches. "Sige, I'll get one for us.." si Migs at pumunta na siya sa bar. Hindi pa rin makapagdesisyon si Mac kung kocontactin pa niya ang dating nobyo. Muli niyang binunot ang telepono mula sa kanyang bulsa. Pumunta siya sa kanyang inbox at hinanap ang message. Galing sa unknown number. Binuksan niya iyon. "I love you, babe.." ang huli at tanging message na naroon. Napalunok si Mac. Kinakabahan. Hindi niya alam kung anong gagawin. Magtetext ba siya? Tatawag? O hahayaan ang tadhana na gumawa ng paraan upang pagtagpuin muli sila ni Jude? Napahinga ng malalim si Mac at nagsimula siyang magtype. "Mac.." tawag ni Migs na biglang sumulpot dala-dala ang dalawang bote ng beer. Nagulantang si Mac at dali-daling inexit ang messages. "Sino tinetext mo?" usisa ni Migs. "Wala. Nagsabi lang ako kina Mommy na nasa hotel na tayo.." pagsisinungaling ni Mac.
Naunang pumasok si Ace sa kwarto ni Jude. Napansin ni Ace na umilaw ang cellphone ni Jude. Lumapit siya sa tokador kung saan nakapatong ang telepono ng binata. Napangiti siya nang makita sa tabi nito ang kanyang kwintas. Ngunit biglang nagiba ang kanyang mukha nang makita kung sino ang nagtext kay Jude.
1 message from Babe.
Susundan.