May isang babae kasi na mahaba ang buhok, nakasuot na spaghetti strap na pang-itaas at maikling jeans shorts, at makapal na make-up. Medyo nairita si Jude sa kabastusan ng kalabang team. Walang pakielam ang babae at patuloy lang itong lumalapit sa kanilang kinapwepwestuhan. Siguro girlfriend ng kanyang kaklase. Nakangiting lumapit ang babae sa kanilang pwesto. Walang umiimik sa kanila. Walang sumasalubong na kaklase. "Hi Jude!" bati ng babae sa kanya. Medyo mababa ang boses nito at napansin niya ang bukol ng Adam's Apple sa bandang leeg nito. Nanlaki ang mata ni Jude nang mapansin niyang may hawak itong supot ng dalawang Coke.
-------
Mestisa ang balat. May highlights ang mahabang buhok na sinamahan pa ng bangs. Singkit ang mga mata ng babae sa kanyang harapan. Naka-full make up ito. Eye shadow, foundation at lipstick. Tila ba na rarampa sa isang beauty contest. Napanganga na lamang si Jude sa kanyang pinagmamasdan. Sinusuri kung kakilala niya ba talaga ang taong bumati sa kanya. "Friend? Beshie?" matamis na bati ni Karl sa bagong dating na kaibigan. Nakangiti ito labas ang ngipin niyang nakabraces. "Uhmmm.." nauutal na sagot lamang ni Jude. Ayaw niyang magkamali sa pangalan ng kaibigan. "Oh em gee! Si Karl to.." pakilala ni Karl sa kaibigan sabay ng malandi na pagtawa. Umikot pa ito sa harapan ng bagong balik na kaibigan upang mapagmasdan ang kanyang buong katawan. Napatayo si Jude sa kanyang kinauupuan. Manghang-mangha siya sa malaking pagbabago ng kanyang kababata. "K-karl?!" si Jude. "It's me! Karl-la.." ngiting bati ni Karl. "Oh em gee!" ang tanging nasagot ni Jude. Babaeng-babae na ang kanyang kaklase nung highschool. Maliban na lamang sa boses nito at Adam's Apple. "Oh diba? Hindi mo na makilala si Karl. Este, Karla.." singit ni Lucas sabay akbay sa kanyang pinsan. Napangiti si Jude. Matagal na niyang nararamdaman na katulad niya rin si Karl. Pero hindi niya aakalain na maglaladlad ng husto ang kaibigan. Nagka-girlfriend pa nga ito nung highschool.
"Grabe, Karl! Ang ganda mo.." namamangha pa rin si Jude. "Ilang buwan lang ako nawala.." dagdag pa ni Jude. "Diba? Mas mukhang babae pa siya sa akin.." natatawang singit ni Lyka sa dalawang kaibigan. Napatingin si Jude sa dibdib ng kaibigan. Medyo umumbok nga ang harapan ni Karl. Bakat ang utong nito sa suot na spaghetti strap dahil wala itong suot na bra. "Sabi ko naman kasi sayo, friend, mag-pills ka. For sure tatayo yang dede mo.." bulgar na sabi ni Karl kay Lyka. "Nagpadagdag ka ba?" curious na tanong ni Jude. "Friend, wala pa akong datung para dito. Panay pills lang.." sagot ni Karl sa kaibigan sabay ipit sa kanyang dalawang dibdib. Labas tuloy ang cleavage nito. Natawa naman si Jude. "Ikaw, kamusta ka sa Manila? Maraming gwapo?" walang prenong tanong ni Karl. Nanlaki ang mga mata ni Jude. "Ikaw naman, Karla. Bakit mo naman tatanungin si Jude about sa gwapo? Malay ba nya.." umirap na sagot ni Lyka. Mapaklang napangiti lamang si Jude. "Tse! Alangan naman tanungin ko kung maraming tsiks dun.." sabi naman ni Karl. "Tama na nga kayong dalawa. Maraming maganda at gwapo sa Maynila.." sagot na lamang ni Jude. "Balita ko, friend, seaman daw ang kinukuha mo. Ireto mo naman ako sa mga kaklase mo.." si Karl sabay kapit sa braso ni Jude. Natutuwa siya dahil sobrang out na ni Karl sa kanyang kasarian. Confident na siya. Malaya na siya.
"Shoot that ball! Shoot that ball!" cheer ni Karl sa mga dating kaklase na naglalaro. "Yeees!!!" sigaw ni Karl nang makashoot si Lucas ng 3 points. May kasama pa itong palakpak. "Pinsan ko yaaan!" sigaw naman ni Jude na may halong pagmamalaki. Lumingon naman si Lucas sa kanilang kinapwepwestuhan sabay kindat. Napatigil tuloy si Jude sa kanyang pagpapalakpak at napaupo. Habang si Karl naman ay kilig na kilig. Nag-flying kiss pa ito sa manlalaro. "Alam mo, Jude. Bet na bet ko talaga yang pinsan mo. Pero hindi ko makuha-kuha.." bulgar na kwento ni Karl sabay upo sa tabi ni Jude. Natawa naman si Jude sa sinabi ng kaibigan. Hindi naman ganito ang dati niyang kaibigan. Tahimik ito at mahiyain. Nagulat na nga lang siya nang magka-girlfriend ito nung second year highschool nila. "Kelan ka pa naging.. ganyan?" tanong ni Jude. Nahihiya pa siya baka kasi ma-offend ang kaibigan. "Naging babae? Naging bakla? Okay lang, Jude, ano ka ba.." sagot ni Karl. "Siguro kasabay nung lumuwas ka ng Maynila. Sabi ko sa sarili ko, I can't take it. My inner Karla needs to be released.." may pag-emote pang kasama ang pagkwekwento ni Karl. "Buti okay kina Tito.." si Jude. "Actually, hindi na nila ako pinagkolehiyo. Kaya ayun, nalungkot rin ako. Pumasok nalang ako sa parlor nila Madam Wilma.." kwento pa ni Karl. "Kaya kung magpapagupit ka, sa akin ka na magpaservice.." dagdag pa niya. "I am so proud of you.." masayang sabi ni Jude sabay akbay pa kay Karl.
"Friend, thank you ha. Hindi ka nandiri sa akin. Hindi tulad ng iba natin kaklase. Akala mo may ginawa akong krime kung lumayo. Ang liliit naman ng mga tite nila. Mas malaki pa nga burat ko kaysa sa kanila.." sabi ni Karl sabay irap. Natawa na naman si Jude. Hindi niya lubos maisip na masasabi ng mahiyaing kaibigan ang mga salitang lumalabas sa bibig nito. Dati kasi hindi masabi ni Karl ang mga salitang jakol o chupa o kung ano mang kabastusan. Hindi rin ito nagmumura. "Ano ka ba, Karl? Wala yun sa akin. Kaibigan pa rin naman kita. Ikaw pa rin ang best friend ko.." sabi ni Jude. "Awwww. Beshywapp.." masayang sagot ni Karl sabay yakap dito. Na-touch talaga siya sa mainit na pagtanggap ni Jude. Hindi man naamin ni Karl noon kay Jude ang tunay niyang pagkatao ay ramdam pa rin niya ang pag-intindi nito sa kanya. "Hooooy. Wag nga si Jude.." singit ni Lyka at pilit na nilalayo si Karl kay Jude. "Ay wow. Girl friend ka, sizt?" mataray na sabi ni Karl sa babaeng kaibigan. "Kayo talaga. Na-miss ko kayooooo!" si Jude sabay yakap sa dalawang kaibigan. "Na-miss ka rin namin.." sabay na sabi nina Karl at Lyka na yumakap na rin kay Jude. Masaya si Jude sa kanyang pagbabalik. Walang stress. Walang Mac, walang Ace, walang Migs. "Abaaa! Parang ang saya niyo ah.." si Lucas sabay yakap sa tatlo. Naka-time out kasi kaya nakalapit ang binata sa kanila. "Yuuuuck!" si Lyka na biglang umalis sa pagkakayakap ng maramdaman ang pawisang katawan ng binata. Hindi naman tumanggi si Karl sa yakap ni Lucas kung kaya kumalas siya sa katawan ni Jude at si Lucas ang niyakap. "Ikaw talaga!!" natatawang sabi ni Jude sabay hablot sa buhok ni Karl. "Aray naman friend!" si Karl.
Natapos ang laro at panalo ang kupunan nila Lucas. Didiretso sila sa Championship sa darating na Sabado. Masayang lumapit ang mga manlalaro sa kanilang pwesto. Napatitig si Jude sa mga ito dahil nagsimulang maghubaran ito ng mga suot na jersey. Basa kasi ng pawis. "Ang shesherep.." malanding sabi ni Karl sabay lapit sa isang lalaki. Nag-alok ito na punasan ang likuran ng lalaki. "Lande!" natatawang sabi ni Jude sa kaibigan. Nakangiting lumapit si Lucas sa pinsan at tumabi ito sa kanya. Medyo dinikit ni Lucas ang kanyang mukha sa bandang tenga ni Jude. "Sabi ko sa iyo e. Ikaw ang lucky charm ko.." bulong ni Lucas. Mainit ang hininga na binuga ng pinsan. Nagdulot ito ng kuryente na kumiliti sa buong katawan ni Jude. Nagsitayuan ang balahibo niya sa katawan. "Loko!" tanging sagot ni Jude sa pinsan. Hinubad na rin ni Lucas ang suot na jersey at inabot ito kay Jude. Nasinghot ni Jude ang barakong amoy ng pinsan. Lalaking-lalaki. Napalunok si Jude. Muling niyang napagmasdan ang katawan ng pinsan. Basa ng pawis. "Pakipunasan naman ako.." hiling ni Lucas sa pinsan sabay talikod kay Jude. "Ano ako, assistant mo?" natatawang sabi ni Jude. "Sige na, insan. Ito naman e.." si Lucas. "Oo na.." sagot ni Jude sabay tanggap na sa pamunas. Ang malapad na likod ni Lucas. Moreno. Makinis. Sinimulan niyang hagurin ang likod ng pinsan. Sa simula ay padabog na pinunasan ni Jude ang pinsan. Pero nag-iba ito ng hagod. Mas mabagal. "Fuck!" bulong ni Lucas sa sarili nang maramdaman ang paghagod ni Jude sa kanyang likod. May diin. May init. Nagsimula mabuhay ang kanyang alaga sa suot na jersey. Mas ramdam ngayon ni Lucas ang bawat dampi ng daliri ni Jude sa kanyang likuran.
"Ay wow. Ano to?" salubong ni Karl nang bumalik ito sa pwesto nila Jude. Kitang-kita niya ang mag-pinsan na tila ba'y magkarelasyon. Agad namang tinapos ni Jude ang ginagawang pagpunas sa likuran ni Lucas at muling binalik ang jersey sa pinsan. "Ay wow, ang dumi ng isip.." natarantang sabi ni Jude sa kaibigan sabay tayo sa tabi ng pinsan. "Lucas, uwi na ako. Walang kasama si Chuchay sa bahay e. Karl, kita tayo ulit ha.." paalam ni Jude sabay talikod sa dalawa. "Ay wow! Panira!" nainis naman sabi ni Lucas kay Karl sabay hablot ng mga gamit. Nabitin na naman kasi siya. Hinabol niya ang umalis na pinsan. "Ay! Bakit parang may mali.." tanging nasabi ni Karl sa sarili nang maiwan siya ng mag-pinsan. "Jude, teka! Antayin mo ako.." si Lucas na wala pa rin suot na pang-itaas. "Insan, magbihis ka nga. Mapulmonya ka nyan, sige ka.." sabi ni Jude. "Ang bilis mo naman kasi mag-lakad.." sabi ni Lucas sa pinsan. Kumuha ng sando si Lucas sa loob ng kanyang bag. "Hatid na kita sa inyo. Mamaya maligaw ka pa rito.." alok ni Lucas. "Kabisado ko naman dito. Tsaka mag-habal na lang ako.." sabi ni Jude habang naghihintay ng bumabyaheng habal-habal. "Sure ka? Pwede naman tayo mag-tricycle.." alok ulit ni Lucas sa pinsan. "Huwag na. Safe naman dito.." tanggi ulit ni Jude sa pinsan sabay para sa isang motor. Huminto naman ito sa kanilang harapan. "Habal po?" tanong ni Jude sa lalaking naka-helmet. "Uy! Jude?! Si Benjie to!" sabi ng lalaki sabay hubad ng kanyang helmet upang makilala ng mga dating kaklase. Dati nilang kaklase si Benjie nung highschool. Nag-mature na rin ang itsura ng kaklase. Pinahaba nito ang kanyang kulot na buhok. Makapal pa rin ang kilay ng ka-eskwela. At ang dating payat na katawan nito ay nagkalaman at masel na. Halata kasi sa suot nitong sandong itim.
"Ayan! Tamang-tama, pre ang dating mo.." bati ni Lucas sa dating kaklase. "Kilala mo pa ba si Benjie, insan?" baling ni Lucas sa pinsan. "O-oo naman!" sagot ni Jude sabay angkas na sa likuran ni Benjie. "Sige pre.." paalam ni Benjie kay Lucas sabay suot ng kanyang helmet. Inabot rin niya ang helmet kay Jude. "Umuwi ka na ha. Baka hanapin ka na nina Tita.." bilin ni Jude sa pinsan bago isuot ang helmet. "Oo naman. Ingat ka. Pare, ikaw na bahala kay Jude ah. Ingat kayo.." sagot ni Lucas. Tumango si Benjie bago paandarin ang motor nito. Malamig ang simoy ng hangin dahil Disyembre na. Napakapit si Jude sa balikat ng kaklase. "Kamusta? Kelan ka pa umuwi?" simula ni Benjie. Dahil nasa probinsya ay medyo magkakalayo ang ilaw ng poste. Wala rin silang mashadong kotseng kasabay. "Nung isang araw lang. Ikaw kamusta? Kayo pa ba ng girlfriend mo nung highschool? Sino na nga yun?" si Jude na medyo nilapitan ang mukha sa ulo ni Benjie. "Si Muriel? Oo. Kami pa rin. Buntis na nga sa panganay ko.." natatawang kwento ni Benjie sa dating kaeskwela. "Nakabuo ka na agad?!" gulat na tanong ni Jude sa kaklase. "Uragon e!" sagot ni Benjie. Nagpatuloy ang dalawa sa pagbyahe. "Buti naisipan mong umuwi.." si Benjie. "Kailangan e. Na-ospital si Papa.." sagot ni Jude. "Ay, kamusta siya?" si Benjie. "Okay okay na rin naman. Nagpapalakas na lang at pauwi na rin sana.." sagot ni Jude. "Bukas pupunta ako sa ospital.." dagdag pa ni Jude. "Sabihan mo ako kung kelangan mo ng serbis.." alok ni Benjie sa kaklase. "Sige, wala rin ako masasakyan e.." sagot ni Jude. Malapit na sila sa bahay ni Jude. "Sige, sabihan mo ako kung anong oras.." si Benjie. Tumigil ang motor ni Benjie sa harapan ng bahay nila Jude. "Sige kunin ko na lang number mo.." sabi ni Jude nang matanggal niya ang suot na helmet. "Antayin ko nalang text mo.." sabi ng kaklase kay Jude. "Sige, salamat. Ingat ka.." paalam ni Jude sa binata.
"Dude, saan kayo this Christmas break?" tanong ni Maverick sa mga kabarkada. Nasa bahay sila ni Mickey at nag-aaral para sa huling subject na ieexam nila bukas. Isa kasi ito sa major subject nila kaya naisipan nila mag-group study. "Baka umuwi ako ng Batangas.." unang sumagot si JC sa mga kaibigan. "Dapat mag-Bicol kame kaya lang nag-back out si Mac. Baka Baguio na lang kame ulit.." kwento ni Mickey sa mga kaibigan. "Bicol?" tanong ni Maverick sa kabarkada. "Oo. Gusto daw makita ni Mac ang Mayon e.." natatawang sabi ni Mickey. "Ikaw ba Ace, saan ka?" si Maverick sa kaibigan. "Wala naman akong close relatives dito. Hindi naman ako pwedeng umuwi ng States. Hindi ko pa alam pero.." sagot ni Ace ngunit naputol dahil sumingit si Mickey. "Ay pare, napuntahan mo ba yung office?" si Mickey. Umiling si Ace. "Hindi daw pwede e. Confidential.." sagot ni Ace. "Sino ba yang hinahanap mo?" usisa ni Maverick. "Yung ipapalit niya kay Amanda.." pang-aasar ni Mickey. "Gago!" mura ni Ace sa kaibigan. "Ano ba ang pangalan? Malay mo kakilala namin at matulungan ka namin sa info na kelangan mo.." si JC. "Huwag na pre. Ako na didiskarte.." sagot ni Ace. Hindi nila napansin ang paglapit ni Mac sa kanilang kinapwepwestuhan. "Bro, dinner na. Tawag na kayo nila Mommy.." tawag ni Mac sa kapatid at mga kaibigan nito. "Bro, dinner na tayo.." yaya ni Mickey sa mga kaibigan. "I have to go. May dadaanan pa ako.." paalam ni Ace sa mga kaibigan. "See you tomorrow, then?" sagot na lamang ni Mickey. "Yes, tsong.." si Ace at kumamay na sa mga kaibigan. Bago ito umalis ay lumapit ito kay Mac, "Wrong decision, bro. Mayon is better than Baguio.." bulong ni Ace sa batang kapatid ng kaibigan.
"Sino yan?" tanong ni Susan sa lalaking nag-door bell. "Good evening po. Ka-eskwela po ito ni Jude. May pinapabigay po kasi sa kanya yung prof namin.." pagsisinungaling ni Ace sa pinsan ni Jude. Nasa plano niyang puntahan si Jude sa Bicol upang personal na makausap. Upang masabi na ang matagal niyang pinipigilan. Ito na lang ang natitira niyang option upang malaman ang address ni Jude sa Bicol. Binuksan ni Susan ang kanilang gate at tumambad sa kanya ang mala-artistang si Ace. "Ka-kaklase ka ni Jude?" ulit na tanong ng tiyahin ng binata kay Ace. "Yes po. Nandyan po ba siya?" tanong ni Ace. Nakangiti. "Sea-seaman ka rin?" tanong ni Susan. "Opo.." sagot ni Ace. "Napakagwapo naman pala ng mga kaklase ni Jude.." puri ni Susan sa binata. Napakamot na lamang ng ulo si Ace. Nahihiya sa puri ng kamag-anak ni Jude. "Hindi naman po.." sagot ng binata. "Iho, wala rito si Jude e. Umuwi sa kanila.." sabi ni Susan. "Ganun po ba? Kelangan po kasi isubmit ito pagkapasok mula sa Christmas break. Kelan po uwi niya?" si Ace hawak ang kunwaring folder. "Hindi ko pa sigurado e. Paano kaya ito?" si Susan. "Ipa-LBC ko na lang po kaya?" tanong ni Ace. "Ay tama! Teka kunin ko ang address nila.." sabi ni Susan sabay alok na pumasok si Ace sa kanilang bahay. "Nako, ma'am. Okay lang po ako dito.." tanggi ni Ace. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik si Susan hawak ang isang papel. "Ito, dito mo na lang ipadala yang assignment nyo.." sabi ni Susan. "Salamat ha.." sabi pa ng matanda. "Walang anuman po.." nakangiting sagot ni Ace hawak ang papel na may address ng bahay nila Jude. Sa wakas.
"Good morning, kuya.." bati ni Chuchay sa kapatid nang bumangon na ito. Alas-kwatro na ng umaga. Naghahanda na ang kapatid ng kanilang almusal. "Chuchay, dadaan ako kina Mama ngayon. May kailangan ba sila?" tanong ni Jude na umunat-unat pa. "Mag-dala ka na lang ng dalawang pares ng damit nila Mama at Papa. Kinuha ko kasi ang labada nila kahapon.." sagot ni Chuchay na nagluluto ng itlog. "Sige, sige.." sagot ni Jude na dumiretso na upang magdilig ng mga tanim, magpakain ng mga manok at baboy. Mag-aalas sais na ng matapos si Jude sa kanyang mga gawain at handa na siyang mag-almusal. Nakagayak na rin si Chuchay para sa kanyang klase. "Susunduin ka ba ni Denver?" tanong ni Jude nang magkasabay silang mag-almusal ng kapatid. "Yes kuya.." sagot ni Chuchay. "Nanliligaw o kayo na?" diretsang tanong ni Jude sa bunso. "Uhmmm.." nahihiyang sagot ni Chuchay. "Kayo na no?" pagkukumpirma ni Jude sa kapatid. Tumango lang si Chuchay sa tanong ng kuya. "Walang masama sa pakikipagrelasyon, bunso. Lagi mo lang tatandaan sina Mama at Papa. Huwag na huwag kayong gagawa ni Denver ng pagsisihan niyo sa huli. Okay ba?" payo ni Jude sa kapatid. "Yes, kuya. Hanggang kiss pa lang naman kame.." kinikilig na sabi ni Chuchay sa kuya. "Aysows!" si Jude sabay gulo sa buhok ng kapatid. "Kuya naman e.." sabi ni Chuchay na inaayos ang nagulong buhok. Nang marinig na nila ang pag-tawag ni Denver sa labas ng bahay. "Nandyan na sundo mo. Ingat kayo ha.." si Jude. "Salamat, kuya.." si Chuchay sabay halik sa pisngi ng kapatid. Nagulat si Chuchay nang mapansin niya na nasa pinto si Denver bitbit ang dalawang bote ng gatas. "Good morning, Chuchay. Good morning, Jude.." bati g binata sa magkapatid. "Ano yan?" gulat na tanong ni Chuchay sa bisita. "Gatas. Para sa iyo at para kay Jude.." nakangiting sabi ni Denver.
Nanlaki ang mata ni Jude nang marinig niya ang kanyang pangalan. "Uy, salamat naman sa gatas mo.." sagot ni Jude na lumapit na rin sa dalawa. "Sariwa yan.." nakangiting sabi ni Denver. May halong landi sa mga tingin ng binata na si Jude lang ang nakaintindi. Kumunot tuloy ang kanyang noo pagkaabot ng dalawang bote mula sa binata. "Kuya, alis na kame.." paalam ni Chuchay sabay akay na sa binata pabalik sa nakapark na motor. Bago pa sila makasakay ng motor ay lumingon pa si Denver sa kinatatayuan ni Jude. Kumabog ang kanyang puso. Hindi maintindihan kung bakit ganoon ang nobyo ng kapatid. Maaga siyang aalis ngayon dahil pupuntahan niya ang kanyang magulang sa ospital. Inuna ni Jude ang magimpake ng mga damit ng nanay at tatay. Balak niya rin magluto ng tanghalian para sa dalawa. Sinigang. Mahilig ang kanyang tatay sa sinabawan kung kaya pumitas na muna si Jude sa kanilang taniman ng kamatis at sitaw. Hindi rin dadaan ang kanyang pinsan na si Lucas ngayong araw dahil bukas pa sila mag-aararo ulit ng lupa. Naisipan ni Jude na itext na rin ang kaklaseng si Benjie upang maaga nitong malaman ang oras ng kanyang pagsundo at hindi na kumuha ng pasahero.
Jude: Good morning, pre. Jude to. Mga alas-diyes mo na ako sunduin dito.
Alas-syete pa lang. May tatlong oras pa si Jude para maghanda. Matapos mahugasan ang mga gulay na gagamitin para sa lutuin ay nag-simula na siyang magpakulo ng baboy.
Benjie: Sige, pare. Nandyan na ako ng mga 9:30.
Napangiti si Jude sa reply ng kaklase. Naalala niya tuloy ito noong highschool sila. Isa si Benjie sa kanyang pinagpapantasyahan noon. Isa sa mga pinagjakulan niya. Hindi dahil sa maganda ang katawan nito. Patpatin nga ang binata nung highschool. Hindi rin dahil sa gwapo ito, dahil may mas ma-appeal siyang kaklase kaysa rito. Pero dahil sa taglay nitong kalibugan. Ibang klase. Laging nakabakat ang alaga nito sa unipormeng suot. Tinitigasan. Makakita lang ng bakat na dibdib ng babae nilang kaklase ay nabubuhayan na si Benjie. Usap-usapan rin noon sa kanilang klase ang namagang kipay ni Muriel na girlfriend nito. Hindi nga makalakad ng maayos ang kanyang kaklase matapos ang bakbakan ng dalawa. Minsan nga ay biniro ni Benjie si Jude habang nasa klase. Nakaupo si Jude at gumagawa ng assignment nang bigla niyang maramdaman na may tumutusok sa kanyang likuran. Si Benjie pala ang naroon at kumakadyot. Ramdam tuloy ni Jude ang kahabaan ng binata. Matigas talaga. Sobra. Masarap sa pakiramdam ni Jude pero dahil hindi pa naman siya ganoon kaladlad ay umiiwas siya noon. Tinutulak niya ito ng palayo. Naiinis man kunwari pero sa kanyang kalooban ay gusto na niyang pagsilbihan ang binatang kaklase. Isa rin sa alaala ni Jude ay noong nag-outing ang buo nilang klase sa isang ilog sa kanilang probinsya. Lagi itong nasa likuran ng kanyang nobyang si Muriel. Naiinggit si Jude sa kaklaseng babae dahil minsan ay natirik ang mata nito habang nakalubog sa tubig. Alam na nila na niyayari na naman ni Benjie ang nobya. Kaya hindi nagtataka si Jude na nakabuo na agad ang magkasintahan dahil sa sobrang libido ng binata.
"Bro, good luck sa atin.." sambit ni JC sa mga kaibigan. Nakaupo na sila sa loob ng kanilang klase at hinihintay na i-distribute ang exam sheets nila. "Inom tayo mamaya sa bahay?" tanong ni Mickey sa mga kaibigan. "Game ako. Isama ko sina Ann. Alam ko last day na rin ng class ng mga yun.." agad na sagot ni Maverick. "Pare, okay lang ba?" tanong ni Mickey kay Ace. Nakasuot ito ng earphones at may kinakalikot sa kanyang telepono. "Ace?" sabay na tawag ng tatlo niyang kabarkada. "Ano yun?" walang kamalay-malay na tanong ng binata. "Iinom mamaya kina Mickey. Game ka ba?" ulit ni JC. "Pass ako. May lakad ako e.." sagot ni Ace. "Saan ka ba pupunta?" usisa ni Maverick nang makita niya na nasa Waze itong app. Chinecheck kasi ni Ace kung gaano kahaba ang idridrive niya papunta kina Jude. 12 hours and 36 minutes. Mula Manila hanggang sa bayan ni Jude. "Wala. Gusto ko lang magdrive.." simpleng sagot ni Ace. Naiisip na niya ang nakangiting mukha ni Jude na sasalubong sa kanya. Kumabog ang kanyang puso sa ideyang iyon. "Yari ka talaga kay Amanda. Make sure she is better than her.." umiiling na sabi ni JC sa kaibigan. "Hindi man siya kasing perfect ni Amanda. Pero ka-mahal mahal siya.." sagot lang ni Ace. Nagulat ang tatlo sa pagiging romantiko ng kaibigan. Hindi nila akalain na magiging showy ito sa kanila. Nasanay kasi sila na si Ace ang pinakamasungit sa grupo. Mas suplado. Mas mysterious. Kaya nga maraming nababaliw sa binata. "Iba ka talaga, Ace.." natatawang sabi ni Maverick. "I am excited to meet her. I bet she's pretty.." si Mickey na umakbay lang sa kaibigan. "Mga pare, don't judge ah. Mahal ko na siya e.." napapangiting sabi ni Ace. Natigil na lamang ang kanilang kwentuhan nang magsimula na ang kanilang exams.
"Jude?" tawag ni Benjie habang kumakatok sa kanilang pinto. Walang sumasagot. Umikot si Benjie sa likurang pinto ng bahay ng kaklase. "Jude?" muling tawag nito. Wala pa rin. Pinihit niya ang pinto at bukas ito. Sumilip si Benjie. Walang tao. "Nasaan na kaya ito?" bulong ni Benjie sa sarili habang napakamot ng kanyang ulo. Tiningnan niya ang kanyang telepono. 9:25 AM pa lang kasi. Pumasok siya sa loob ng bahay at baka nasa kwarto lang ang kaklase. Agad niyang napansin ang bag na napatong sa taas ng mesa. Naroon pa rin nga ang kaklase. "Jude?" tawag ulit ni Benjie habang nasa baba siya. Napatingin si Benjie sa dalawang kwarto na nasa itaas. Nakabukas ng kaunti ang pinto ng isang kwarto. Bukas ang ilaw. Napaakyat tuloy siya upang tawagin ang kaklase. Baka kasi nakatulog ito habang hinihintay siya. "Ju.." napatigil si Benjie na tawagin ang kaklase. Nagulat ang binata dahil nakabriefs pa lang ang dating kaklase. Kulay puti. Kakatapos lang nito maligo. Agad na napako ang tingin ni Benjie sa katawan ng kaklase. Ngayon lang napagmasdan ni Benjie ang matambok na likuran ni Jude. Pantay ang kulay nito sa hita at binti. Hindi man kaputian pero makinis ito. Kasalukuyang nagpapahid ng lotion si Jude ng katawan. Nakataas ang isnag binti ni Jude sa kama. Bakat tuloy ang hiwa ng kanyang pwetan sa suot nitong briefs. Napalunok si Benjie sa nakikita. Lalo na kung yumuyuko si Jude upang abutin ang kanyang paa. Lalo tuloy bumabakat ang hiwa nito sa suot nito. "Pootangina.." sabi ni Benjie sa sarili. Mag-iisang buwan na rin siyang hindi napagbibigyan ng asawa dahil nga sa buntis ito. Napakapa tuloy si Benjie sa kanyang harapan na unti-unting nabubuhay.
"May 5 minutes pa.." bulong ni Jude sa kanyang sarili. Kasalukuyang nakikinig siya sa kanyang telepono. Nakaearphones kung kaya't hindi niya napansin na nasa likuran na niya ang kanyang dating kaklase. Nagmadali siyang magpahid ng lotion sa kanyang hita at binti. Susubukan niyang udyukin ang dati niyang kaklase. Kinuha ni Jude ang kanyang cologne. Hindi ganun katapang para medyo babae ang dating nito kay Benjie. Naglagay siya sa kanyang leeg at katawan. Isang t-shirt at shorts ang isusuot niya. Medyo fit sa kanya para humapit sa kanyang katawan. Agad naman bumaba si Benjie nang mapansin niya na matatapos na magbihis ang dating kaklase. Pilit niyang pinapakalma ang sarili dahil nakajersey shorts lang siya. Tigas na tigas rin na kasi siya sa oras na iyon. Hindi niya alam kung bakit nalibugan siya ng husto sa paninilip kay Jude na isang ring lalaki. Wala pa naman siyang karanasan sa bakla o sa kapwa. Maraming sumusubok pero wala pa siyang pinagbibigyan. Dahil na rin siguro malibog rin ang asawa niya. Kaya lahat ng kanyang hilig ay pinagbibigyan ni Muriel. Ngayon na lang siya hindi napapagbigyan dahil dinugo ang asawa nang minsan pasukin niya ito. Huminga ng malalim si Benjie. Tumalon-talon upang mapababa ang dugo na umipon sa kanyang alaga. "Uy, Benjie. Kanina ka pa?" gulat na tanong ni Jude nang makita ang binata na nasa loob na ng kanilang bahay. "Medyo. Tinatawag kasi kita, hindi ka nasagot.." sagot ni Benjie. "Sorry, nakikinig kasi ako ng music.." si Jude na napatigil dahil napansin niya ang umbok sa harapan ni Benjie. Nasamid siya ng kaunti. "Ready ka na ba?" tanong ni Benjie. Nanlaki ang mata ni Jude. "Ha? S-s-saan?" nauutal na tanong ni Jude. "Umalis?" natatawang sagot ni Benjie. "Ahhh! Oo! Ready na.." napahiyang sagot ni Jude.
Sinigurado na muna ni Jude na nakalock ang bahay bago ito sumunod kay Benjie sa motor nito. Imbes na ibigay ni Benjie ang helmet ay siya na mismo ang nagsuot kay Jude nito. "Okay lang ba?" tanong ni Benjie habang inaayos ang helmet. "O-okay lang.." sagot ni Jude. Nagtaka siya sa kinilos ng dating kaklase. "Ayan. Sakay na.." yaya ni Benjie kay Jude. Umalalay pa si Benjie sa pagsakay ni Jude. "Dito ka na kumapit at baka mahulog ka.." si Benjie na ginabayan ang mga kamay ni Jude mula sa kanyang balikat ay nilipat niya ito sa kanyang bewang. "Shit! Ano bang meron dito kay Benjie?" sa isip ni Jude. Mukhang ang balak niya na udyukin ang binata ay napunta sa kanya. Kumapit siya sa bewang ng dating kaklase. May kaunting love handles pero pwede na. "Magaan ka pala ano? Kayang-kaya kitang buhatin.." sabi pa ni Benjie bago paandarin ang makina ng motor. "Ha?" tanong ni Jude. "Wala! Sabi ko ang bango mo!" natatawang sabi ni Benjie. Hindi sigurado ni Jude kung pang-aasar ba iyon o pang-aakit. Kahit medyo mataas na ang sikat ng araw ay mahangin pa rin sa kanilang lugar. Natuwa si Jude nang mapagmasdan muli ang tanawin sa kanilang lugar. Palayan. Puno. Medyo magkakalayo kasi ang bahay ng isa't isa. Pero ligtas naman sa mga masasamang-loob. "Susunduin ba kita mamaya?" tanong ni Benjie habang binabaybay nila ang papuntang ospital. "I-text kita.." maikling sagot ni Jude. "Jude, kapit ka. Medyo malubak.." bilin ni Benjie at medyo nangarag nga ang kanilang byahe. Imbes na kapit lang ay yumakap si Jude sa bewang ng binata. Hindi naman umangal si Benjie. Nalanghap tuloy ni Jude ang amoy-barako ng kaklase. "Ayan, ganyan nga.." sabi ni Benjie. Ramdam ni Jude ang katawan ng binata. Papasa na ito sa kanya. Mula sa tiyan ay medyo bumaba ang pagkapit ng kamay ni Jude. Nasa bandang pusod na ni Benjie ito. Medyo pinagpapawisan na si Benjie. Muling nabubuhay ang kanyang alaga.
Nanlalamig na rin ang kamay ni Jude. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Hindi niya sigurado kung papayag ba ang dating kaklase kung magtutuloy-tuloy siya. Maton ito at baka bugbugin siya kung hihipuan niya ang binata. Napatigil na lang tuloy si Jude sa paggalaw ng kanyang kamay. Hindi na rin sumubok si Jude hanggang marating na nila ang bayan kung saan ang ospital ng kanyang ama. "Malapit na tayo.." sabi ni Benjie sa kaangkas. "Kaya nga e.." sagot na lamang ni Jude na inalis na ang pagkakayakap sa bewang ni Benjie at inilipat ito sa balikat ng binata. "Jude, text mo ako.." ngiting sabi ni Benjie nang makababa si Jude sa kanyang motor. "Oo naman. Salamat!" sagot ni Jude sabay abot ng kanyang bayad. "Huwag na.." tanggi ni Benjie sa bayad ni Jude. "Hindi. Kailangan mo yan at ng baby mo.." sagot ni Jude. "Sige, mamaya ulit ha.." si Benjie na may pilyong ngiti sa kanyang labi. "Salamat.." si Jude at tumalikod na ito sa dating kaklase. Ayaw na niyang lingunin si Benjie at baka bumigay na lalo siya sa binata. Dumiretso si Jude sa ward ng kanyang tatay. "Pa, kamusta?" bati ni Jude sa ama matapos nitong magmano. "Okay naman, anak.." sagot ni Tinoy sa anak na lalaki. Napangiti si Jude. Lumalakas na rin ang kanyang tatay. "Ma?" sabi ni Jude sabay mano na rin sa kanyang ina. "Ma, ano pong balita sa mga doktor?" si Jude. "Ayun, hihintayin na lang ang resulta ng mga labs para macheck kung pwede na makauwi.." sabi ng ina. Dinarasal nila na makauwi sila bago mag-Pasko. "Sige, i-follow up ko na lang po sa nurse.." sabi ni Jude. "Sige nga, anak.." sagot ni Mayang. Kaunting kwentuhan hanggang mananghalian sila. "Good afternoon po. Vitals lang po.." bati ng nurse na lalaki. "Ay wow, Sinigang po ba yan?" dagdag na tanong pa ni Gab sa kanila. "Yes, Sir Gab. Luto ng anak ko. Si Jude.." sabi ni Mayang. Napatingin si Gab sa binatang anak ng pasyente at ngumiti.
"Sir, may results na po ba sa labs ni Papa?" tanong ni Jude sa nurse. "Sige, sir. Samahan ko po kayo sa laboratory. I-check natin kung may resulta na.." yaya ni Gab sa anak ng pasyente. "Maraming salamat, Sir Gab. Gusto na rin namin umuwi para sa Pasko.." sabi naman ni Mayang. "Syempre naman po. Pero dapat siguraduhin na muna natin na okay si Sir.." ngiting sabi ni Gab habang biniBP ang pasyente. Natapos na ang pagkuha ng vitals ni Gab. "Sir, tapusin ko lang po lahat ng pasyente tapos punta na tayo ng lab.." paalala ni Gab. Nagtaka si Jude kung bakit pa siya sasamahan ng nurse. Pwede naman siya na magpunta mag-isa. "Sige, Sir Gab.." sagot ni Jude. Ngumiti ang nurse bago ito lumipat sa kabilang pasyente. "Nako, mabait talaga yang si Sir Gab.." sabi pa ni Mayang. "Alagang-alaga si Papa mo.." dagdag pa ng kanyang ina. Alas-dos na ng tanghali. Nageendorse na ang mga nurse sa kanilang kapalitan. Mag-aalas tres na ng matapos si Gab sa kanyang duty. "Sir Jude, tara na sa laboratory?" yaya ni Gab sa binata. "Sige po.." sagot ni Jude. "Ma, Pa, teka lang ha. Balik ako agad.." paalam ni Jude sa magulang. Sumunod na si Jude sa nurse. Imbes na sa main stairs sila dumaan ay dumaan sila Gab sa fire exit. "Sir, dito na lang tayo dumaan ha. May shortcut dito e.." paalam ni Gab kay Jude. "Sige sir.." sagot ni Jude. Sumusunod lang si Jude kung saan pumunta si Gab. Isang palapag na ang kanilang binabaan. "Ay, Jude, teka lang ha. Daanan ko lang kaibigan ko sa ENT ward. Mabilis lang sir.." yaya ni Gab. "Okay lang sir.." sagot ni Jude nang pumasok sila sa isang ward. Medyo madilim dahil walang pasyente na naka-admit. "Pare, kamusta?" bati ni Gab sa isang nurse na lalaki. Tumabi lang sa isang tabi si Jude habang nag-uusap ang dalawa. Napapansin ni Jude na sumusulyap sa kanya ang kaibigan ni Gab. May pangiti-ngiti pa itong nalalaman.
Ramdam ni Jude na sinisiyat siya ng kaibigan ng nurse. Medyo kinakabahan si Jude. Lumapit ang dalawa sa kanyang pwesto. "Jude, si Marlo pala. Marlo, si Jude. Anak ng pasyente ko sa taas.." pakilala ni Gab kay Jude. "Hello po.." nakangiting bati ni Jude sa isa pang nurse. Inabot ni Jude ang kamay ni Marlo upang maghandshake. Ramdam mo ang gaspang nito. Halatang nagtratrabaho. May dating si Marlo. Gwapo ito. Malaki lang ang tenga. Borta rin ang binata. Halata sa suot nitong scrubs. Mas maputi itong si Marlo kaysa sa kanya. Pero magkasing height lang sila ni Jude. Mas matangkad si Gab sa dalawa. "Swerte mo rito kay Gab. Maalaga to.." sabi ni Marlo. "Pare!" biglang kambyo ni Gab sa kaibigan. Medyo namula si Jude sa sinabi ng kaibigan ni Gab. "Hindi po. Nagpapasama lang ako sa lab.." natatawang sabi ni Jude. Medyo nahiya siya. "Baliw ka talaga.." sabi ni Gab. "Miryenda muna kayo?" yaya ni Marlo sa dalawa sabay pasok sa likuran ng nurse station. "Kain na muna tayo.." sabi ni Gab kay Jude. "Hindi pa ba magsasara ang lab?" tanong ni Jude. "Hindi yan. Kakilala ko naman ung nakaduty dun. Akong bahala.." si Gab. Tumango na lamang si Jude sa anyaya ng dalawang nurse. "Pare, alam mo ba itong si Jude. Seaman.." sabi ni Gab. Nagulat si Jude nang malaman niyang naalala pa ni Gab ang kurso niya. "Hindi ah. Nag-aaral palang ako. First year.." sabi Jude. "Loko ka talaga Gab. Minor pa ata to.." biglang sabi ni Marlo na napasubo sa pandesal na hawak. "19 na ako. Late lang ako nakapasok sa college.." biglang sabi ni Jude. "Kinabahan ako.." sabi naman ni Gab sabay inom sa softdrinks na hinanda rin ni Marlo. "Matagal na kayong nurse dito?" tanong ni Jude. "Ako bago palang. Si Marlo, kuya na siya rito.." natatawang asar ni Gab sa kaibigan. "Huwag kang maniwala dyan, Jude. Si Gab, bago lang. Ako, tatlong taon palang.." paglilinaw ni Marlo.
"Bakit madilim sa ward niyo?" usisa ni Jude sa nurse. "Ito ang pinakaswerte na ward ngayong Pasko. Wala kasing naadmit. Maliban na lamang kung may emergency.." sagot ni Gab. "Dito kasi dinadala ung mga may sakit sa mata, tenga, ilong at lalamunan. Pero dahil Pasko, walang nagpaschedule ng opera.." dagdag pa ni Marlo. "Para makatipid, ilaw lang sa nurse station, binubuksan ko.." sagot pa ng nurse. "Dito ka ba matutulog?" tanong ni Gab. "Hindi. Uuwi rin ako.." sagot ni Jude. "Sige, sabihan mo ako kung ikaw ang magbabantay sa Papa mo. Pwede ka humiga dito. May aircon pa.." alok ni Marlo sa bagong kakilala. "Naku, nakakahiya naman.." si Jude. "Sus! Huwag kang mahiya.." sabi ni Marlo sabay hawak sa kamay ni Jude. Nagulat si Jude sa ginawa kung kaya agad niyang binawi ang kamay na sumagi sa iniinom na softdrink ni Gab. Tumapon tuloy ito sa puting uniporme ng nurse. "Ay putah!" nabiglang sabi ni Gab. "Shit! Sorry!" agad na sambit ni Jude at kinuha ang kanyang panyo. Basang-basa ito. Tumayo naman si Marlo upang kumuha ng twalya. Agad na tinanggal ni Gab ang pagkakabutones ng kanyang uniporme habang patuloy pa rin si Jude sa pagpupunas ng softdrink na napunta sa katawan ng nurse. "Sorry talaga.." natatarantang sabi ni Jude. "Okay lang.." sabi ni Gab sabay hubad ng puting tshirt. Nanlaki ang mata ni Jude nang masilayan ang hubad na katawan ng nurse. Hindi man kamachohan ay pwede na itong pagsawaan. Dahil may pagkamoreno si Gab ay kulay tsokolate ang utong nito. May kaunting buhok sa dibdib. Walang abs pero ayos na rin. Napalunok si Jude at patuloy pa rin siya sa pagpunas ng softdrinks sa katawan ng nurse.
Hindi na rin alintana ni Gab at tinanggal na niya ang kanyang belt. "Nurse Gab?" sambit ni Jude. Nasa bandang pusod na rin kasi nagpupunas si Jude. Napalunok si Jude. "Okay lang ba? Basa na rin kasi e.." sabi ni Gab. Napatingin si Jude sa mukha ng nurse. Mata sa mata. Seryoso itong nagpapaalam kung pwede ba niyang hubarin ang suot na pantalon. Napakagat ng labi si Jude. Rinig ni Jude ang pagbaba ni Gab ng kanyang siper. Unti-unting lumapit ang mukha ni Gab sa mukha ni Jude. Kinakabahan siya. Lumalakas ang pagkabog ng kanyang puso. Napapikit si Jude at hinayaan na lamang ang gagawin ng nurse. May malambot na dumampi sa kanyang labi. Lasang Coke ito. Hindi na tumanggi si Jude. Matagal na rin siyang walang romansa. Nagsimulang maglaban ang kanilang mga labi. Napahawak si Gab sa bewang ng binata. Nilapit pa niya ito sa kanyang katawan. Palitan ng laway. Espadahan ng dila. Ramdam ni Jude ang init at lagkit ng katawan ng nurse. Patuloy ang kanilang halikan nang maramdaman niya ang isang katawan na sa kanyang likuran. Matigas rin ito. Nakaramdam siya na may dumadampi sa kanyang batok. "Uhmmm. Ang bangoo!" puri ni Marlo habang sinisibasib ang batok at leeg ng binata. Tinulungan ni Gab si Jude na iangat ang tshirt na suot upang lumantad sa kanila ang katawan ni Jude. Hindi na napigilan ni Gab ang sarili at kanyang hinalikan ang dibdib ng binata. Habang si Marlo naman ay hinahalikan ang leeg ni Jude mula sa likuran. Lumingon si Jude sa pwesto ni Marlo at sinalubong nito ang labi ng binata. Si Marlo at Jude naman ang nagpapalitang laway. Malalalim na pag-hinga. Impit na mga ungol. Basang mga tunog ng mga labi. Parang na-sandwich si Jude sa kanyang pwesto. Nasa harapan niya si Gab habang nasa likuran niya si Marlo. "Oh fuck!" ungol ni Jude.
Susundan.